HINDI kaya bitin ang one-hour game show ni Willie Revillame na “Wowowin”? Wala pang commercial ang pilot telecast nito, pero isang segment lang ang naipalabas, ang “Bigyan ng Jacket ’Yan.” Paano kaya pagkakasyahin sa loob ng isang oras ang iba pang segments kapag may commercials na?
Nag-overtime na nga at lampas 4:30 p.m. na natapos ang WWW. Baka naman dagdagan ng GMA7 ang airtime sa mga susunod na episodes. Pabuwenas agad si Willie sa pilot telecast at lahat sa studio audience ay binigyan ng jacket at cellphone.
Better off as friends
Tinuldukan na ni Katrina Halili ang relasyon nila ni Kris Lawrence, tatay ng 3- (or 4?) year-old daughter niyang si Katie. No more reconciliation, they’re better-off as friends, ani Katrina.
Nagkikita at nagkakausap pa rin naman daw sila ni Kris kapag may kinalaman sa anak nila. Tulad halimbawa kapag kailangan sa school ang presence ng mga magulang ng bata, pumupunta sila ni Kris.
Sanay naman daw ang bagets sa kanilang setup dahil never silang nagsamang tumira ni Kris sa isang bahay, kahit noong ipanganak niya si Katie. Neighbors sila sa isang subdivision sa QC at pumupunta lang si Kris sa bahay niya (Katrina) para dalawin ang anak nila.
Loveless siya ngayon, ayon kay Katrina. Hindi rin siya nakikipag-date, pero masaya naman siya.
Kasama siya sa cast ng “The Rich Man’s Daughter” where she plays Wila Mateo, ang ex-girlfriend ni Althea Guevarra (Glaiza de Castro).
My nanligaw bang tomboy sa kanya?
“Wala!” ani Katrina. Pero may girl crush siya, si Marian Rivera.
Samantala, sa TRMD, attracted agad sa isa’t isa sina Jade Tanchingco (Rhian Ramos) at Althea sa unang pagkikita pa lamang nila. Noong nagkita silang muli sa isang mall ay nagpahiwatig na si Althea kay Jade.
Sa family dinner ng mga Tanchingco, nalaman ni Jade na tomboy si Althea. Magkakahulugan sila ng loob. Sa isang bar, makikita sila ni Wila at sasampalin nito si Jade.
TNAP Convention
Star-studded ang gaganaping Tindahan ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Store Convention mula May 20-24 sa World Trade Center, Pasay City. Handog ito ng Puregold Priceclub, Inc. at dadalo ang mga long-time endorsers ng Puregold na sina Joey de Leon, Jose Manalo, Ruby Rodriguez, Boy Abunda at Vic Sotto.
May special performances sina Zsa Zsa Padilla, KC Concepcion, Maja Salvador, Julia Barretto, John Lloyd Cruz, Diego Loyzaga, Dessa, Gary Valenciano, Ramon Bautista, ang mga komedyanteng sina Giselle Sanchez, Donita Nose, MC, Lassy, Chad Kinis at Negi, ang rock icon na Kamikazee, si Mitoy & The Draybers, Parokya ni Edgar at Gloc-9.
Isa sa major highlights ng convention ay ang official launch ng bagong membership card na naglalaman ng bongga at eksklusibong benepisyo para sa mga miyembro. Libre at lifetime ang membership sa TNAP. Bawat produkto na bibilhin sa Puregold ay may karagdagang points na valid for two years. Pwede itong i-redeem sa mga cashier ng Puregold sa branches nationwide.
Magbibigay rin ng kaalaman ang Puregold sa mga negosyanteng Pinoy kung paano mapapalago ang nasimulang negosyo. May libreng trainings at seminars. Ipakita lang ang TNAP membership card upang makasali sa convention nang libre.
Para sa ibang detalye, bisitahin ang opisyal na website ng Puregold sa www.puregold.com.ph at i-like ang Puregold sa Facebook, i-follow ang @Puregold PH sa Twitter, at i-follow ang @puregold ph sa Instagram.