KILIG Prince ng TV5 ang pakilala kay Mark Neumann sa presscon ng “Baker King.”
May mag-react kayang Kapatid stars? Sey mo, Vin Abrenica?
Biggest break ever ni Mark na title role ang gagampanan niya sa Philippine adaptation ng Korean hit series na ito na ipinalabas sa South Korea in 2010. Big hit din ito nang ipalabas sa GMA7 in 2011.
Year 2013 nang nabili ng TV5 ang rights para sa Philippine adaptation ng “Baker King” and luckily, si Mark ang choice para gumanap bilang Takgu.
Aniya, nag-workshop siya sa baking at fighting. Bukod kasi sa pagbe-bake ng tinapay, may fight scenes siya, ayon kay Mark.
Pinanood din niya ang DVD ng “Baker King.” Naka-relate raw siya sa kanyang role dahil nakapagtrabaho siya noon sa isang factory sa England. He was 16 years old then.
“Independent na ako noon. Ako ang nagluluto, naggo-grocery, nag-lalaba,” he said.
Mark was born in Germany. Croasian ang mommy niya, Pinoy ang daddy niya. German naman ang lolo niya. In-adopt siya ng kanyang stepgrandfather na Neumann ang apelyido, kaya ’yun ang ginagamit niya, ayon kay Mark.
Nasa Germany ang pamilya niya at mag-isa lang siyang namumuhay rito sa Pilipinas. Produkto si Mark ng “Artista Academy” ng TV5.
Super close
May eksena si Mark sa “Baker King” na naka-apron lang siya habang nagbe-bake ng tinapay. “Lumabas sina Susan at Suzette (tawag niya sa kanyang magkabilang boobs), kaya itinaas ‘yung tali sa batok ko. Para naman akong nasakal,” kuwento ni Mark.
Si Shaira Mae ang kapareha niya sa “Baker King.” Produkto rin si Shaira ng “Artista Academy.” Nagkatrabaho sila sa “Wattpad Presents” at nag-klik ang love team nila.
Ani Shaira, sobrang komportable na sila ni Mark working with each other.
Kung wala kaya siyang boyfriend (Edgar Allan Guzman), possible kayang mag-fall siya kay Mark? “Walang babaeng hindi maa-attract sa kanya. Basta, super close kami ni Mark,” wika ni Shaira.
“Happy ako pag magkasama kami,” sambit naman ni Mark. So, there!
Kasama rin sa cast ng “Baker King” sina Raymond Bagatsing, Diana Zubiri, Jackielou Blanco, Boots Anson Roa-Rodrigo, Akihiro Blanco, Yul Servo, Joonee Gamboa, Nicole Estrada, Allan Paule, Ian de Leon, Malak So Shdifat at Innah Estrada (anak nina Janice de Belen at John Estrada). Directed by Mac Alejandre, mapapanood ang “Baker King” simula May 18 (Monday to Friday) at 9:30 p.m. sa TV5.
Bagong love team
RaStroRebels ang tawag sa “love team” nina Rhian Ramos at Glaiza De Castro. Pinagsamang Ramos at de Castro.
Ano naman kaya ’yung Rebels? Fans daw nila ang pumili sa tawag sa kanilang “love team.”
Nag-trend ang pilot telecast ng “The Rich Man’s Daughter” at mainit na pinag-uusapan ngayon ang mapangahas na tema nito.
Ayon kina Rhian at Glaiza, kapuwa sila kabado at excited sa pilot airing nito. Matatanggap daw ba kaya ng viewers ang temang katomboyan?
Natuwa naman sila sa magandang feedback na nakarating sa kanila. Feeling nila, open-minded na ang viewers, gaya ng pagtanggap sa kabadingan.