BALIK-Pilipinas na sina Mikael Daez at Andrea Torres matapos silang mag-shoot ng mga eksena nila sa Phnom Penh, Cambodia para sa “Blood in Dispute,” first international project nila. Kasabay nilang dumating noong May 7 ang Cambodian cast at production team para kunan dito sa Pilipinas ang remaining scenes ng BID.
April 17 umalis papuntang Cambodia sina Mikael at Andrea. Twenty days silang nanatili roon.
Anila nang nakausap namin sa location shoot nila sa Himlayang Pilipino, Tandang Sora, QC, nanibago sila sa pagtatrabaho sa Cambodia. Tuluy-tuloy ang trabaho nila na pinakamatagal ay inaabot ng 16 hours. Medyo nahirapan silang makipag-communicate sa Cambodian actors dahil sa language barrier. May isang eksena nga raw na inabot silang ng 20 takes kahit may interpreter pang nakaantabay sa set.
Canadian ang director na si Ken Simpson na siya ring scriptwriter ng BID. Co-production ito ng GMA Network, Cambodian Television Network (CTN) at Phum Pich Films.
Unang ipapalabas sa Cambodia ang movie version ng BID sa August this year. After two months, ang TV series naman nito. Later this year, ipapalabas naman sa GMA7 ang mini-series nito. Ang Cambodian actors na kasama rito’y sina Khat Vaihang, Meas Thorn Sryenai at Tep Rindaro.
Grand premiere night
Babalik sa Cambodia sina Mikael Daez at Andrea Torres sa August this year para sa gaganaping grand premiere night ng movie version ng “Blood in Dispute.” Sa Cambodia nag-celebrate ng kanyang 25th birthday si Andrea noong May 4. Aniya, sa bar ng Nagaworld Hotel na tinuluyan nila roon ginanap ang birthday happening. Sila-sila lang ng cast at production staff ng BID ang attendees.
Ani Andrea, hindi siya nagkaroon ng time makapasyal o makapag-shopping sa Cambodia dahil panay ang shooting nila. Isa lang daw ang mall doon.
Si Mikael ay nagkaroon ng one day off, kaya nakapasyal siya. Nagpunta siya sa isang beach na aniya’y parang Boracay noong 1990’s. Day trip ’yun na eight-hour drive papunta roon at pabalik sa hotel na tinuluyan nila.
Ayon sa Kapuso actor, conservative ang mga Cambodian. May dance number si Andrea sa BID na medyo toned down. Ayaw ng mga Cambodian ang maharot na pagsasayaw kaya paindak-indak lang ang ginawa ng Kapuso actress.
“Mababait naman sila,” ani Mikael.
Nagustuhan naman nila ang spicy food sa Cambodia. “May isang putahe na parang adobong nilagyan ng ibang ingredients. “Masarap,” ani Andrea.
Sobrang init daw sa Cambodia kaya nang dumating dito sa Pilipinas ang Cambodian team, nagustuhan nila ang climate kahit super hot ngayon dahil summer sa ating bansa. Nalalamigan pa sila, samantalang init na init ang mga Pinoy.
And more
Pinatay ang karakter ni Kiko Estrada (Pipo) sa “Yagit” dahil kasama siya sa bagong GMA series, ang “My Mother’s Secret.”
How true, extended ang “Yagit” hanggang June?
Sa takbo ng istorya, nalaman na ni Dolores (Yasmien Kurdi) ang panloloko ni Izel (Bettina Carlos) kay Victor (James Blanco). Ipaalam kaya niya ito kay Victor?
Sa “Pari ’Koy,” inamin na ni Sam (Hiro Peralta) kay Fr. Kokoy na gay siya. Paano kaya nito tatanggapin ang kapatid at ang karelasyon nito (Martin del Rosario)? Kailan naman kaya malalaman ni Fr. Kokoy na anak nila ni Michelle (Carla Abellana) si Pinggoy (David Remo)?
Sa “The Rich Man’s Daughter,” hindi masikmura ni Paul (Mike Tan) makipag-date sa isang babaeng isinet-up ng kanyang ama (Al Tantay). Gustong makipaghiwalay ni Jade (Rhian Ramos) kay Althea (Glaiza de Castro), pero hindi niya magawa. Mahuhuli sila ni Paul na magkayakap.