NO show si Janno Gibbs sa presscon ng “Happy Truck ng Bayan” (HTNB). First TV show at first presscon pa naman niya ’yun sa TV5.
Nag-LBM (loose bowel movement) daw si Janno at isinugod sa hospital, ayon kay Ms. Wilma Galvante, chief entertainment content officer ng TV5. May kung anong nakain daw si Janno at sumama ang pakiramdam.
Reunion project nina Janno at Ogie Alcasid ang HTNB. Defensive ang huli at aniya, wala siyang kinalaman sa paglipat ni Janno sa TV5. Ayaw naman itong paniwalaan ng entertainment press. “Nagulat ako, pero siyempre natuwa ako noong nalaman kong lumipat na siya sa TV5 at magkakasama pa kami sa isang show,” saad ni Ogie.
Aniya, na-miss niya working with Janno at ang pagdating nito nang late. Nagkasama sila sa “Party Pilipinas” na naging “Sunday All Stars” (SAS) noong pareho pa silang nasa GMA7. Ayon pa kay Ogie, na-miss din niya ang pagkanta nila together ni Janno at wish niyang magagawa nilang muli ito sa HTNB.
Game musical variety show ang HTNB at kasama rin ang ibang Kapatid stars na sina Derek Ramsay, Jasmine Curtis-Smith, Gelli de Belen, Mariel Rodriguez-Padilla, Mark Neumann, Vin Abrenica, Sophie Albert, Shaira Mae, Akihiro Blanco, Chanel Morales, Tuesday Vargas, Kim Idol at Empoy. Si GB Sampedro ang director. Mapapanood ang HTNB every Sunday simula June 14, 11 a.m. sa TV5.
Isang high-tech, remote-controlled hydraulic automated system truck na nagta-transform sa isang stage ang gagamitin sa HTNB. May taas itong 12 feet, lawak na 17.58 feet at habang 34 feet. Maglilibot ang HTNB cast sa iba’t ibang barangay sa Pilipinas para maghatid ng “happiness-on-wheels” sa pamamagitan ng libu-libong papremyo sa mga game segment.
Small but terrible
Small but terrible si Michael Angelo Lobrin, host ng “Hashtag Michael Angelo” (or #MichaelAngelo) na napapanood sa GMA News TV Channel 11 every Saturday, 3 to 4 p.m. Telemagazine show ito na inspirational, at the same time entertaining (intertainment) ang hatid ni Michael sa iba’t ibang segments .
Bukod sa pagiging magaling na host, magaling ding komedyante si Michael. Naaliw nga kami noong presscon para sa mga bagong episodes ng “#Michael Angelo” na mapapanood simula ngayong Sabado in partnership with Chooks-to-Go. Non-stop talking si Michael na naikuwento pa ang kanyang buhay.
Dati siyang seminarian sa San Carlos Seminary Guadalupe. He was born in Gagalangin, Tondo, 32 years ago. Only boy siya sa limang magkakapatid. Naghiwalay ang parents niya noong Grade 4 siya. Nangibang-bahay (may ibang babae) ang tatay niya, nagtrabaho naman sa Japan ang nanay niya. Ang lola niya ang nagpalaki sa kanya, ayon kay Michael.
Aniya pa, battered child siya. Binubugbog siya noon ng kanyang tatay. Noong Grade 1 siya ay namalimos siya, nagtinda ng mga basahan noong Grade 2. Ang lola niya ang nagging inspirasyon niya para magsumikap siya sa buhay at alay niya rito ang kanyang tagumpay. Sad nga lang dahil kinuha na ni Lord ang lola niya.
Magna cum laude si Michael na Graduate ng Bachelor of Arts, major in Classical Philosophy sa San Carlos Seminary Guadalupe, at may Master of Arts in Theology units from the same seminary. Naging Theology professor siya sa De La Salle University, Manila Doctor’s College at St. Paul University (QC). He is currently a professor of Philosophy at the Entrepreneur School of Asia in QC.