ON hold ang teleseryeng “Someone to Watch over Me” na tatampukan nina Judy Ann Santos at Richard Yap sa ABS-CBN.
Sa official statement ng Dreamscape Productions, hihintayin nalang daw nilang makapanganak si Juday who is more than two months pregnant sa second baby nila ni Ryan Agoncillo. Kung kalian daw handang bumalik sa telebisyon si Juday at saka nalang itutuloy ang naturang teleserye.
No one else but Juday ang gusto ng Dreamscape na female lead sa STWOM, kaya isinantabi muna ang proyekto para sa Kapamilya actress.
Sa desisyong ito ng Dreamscape, pinatunayan lang ang malaking pagpapahalaga kay Juday. Pwede namang kumuha ng kapalit niya at ituloy ang proyekto. Pero mas nanaig ang malaking pagpapahalaga at respeto sa kalagayan ngayon ni Juday.
Masayang kulitan
Sobrang saya ni Rufa Mae Quinto na muli niyang nakatrabaho ang long-time friends niyang sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs at Gelli de Belen. Guest co-host si Rufa sa “Happy Truck ng Bayan” this Sunday. Aniya’y sobrang nag-enjoy siya.
Kasama ni Rufang makiki-fiesta at makikipagbasaan ang buong tropang HTNB sa Plazang Masa, N. Domingo, San Juan. Wish ni Rufa na sana’y tuluy-tuloy na ang pagiging bahagi niya ng HTNB.
Samantala,vtuluy-tuloy pa rin ang pamimigay ng premyo at masayang kulitan ngayong Linggo sa HTNB. Tutukan ang papremyo sa “Kwarta o Kwartruck” matapos hindi makuha ang jackpot last week. Sa San Juan na kaya manggaling ang unang jackpot winner? Abangan sa TV5 at 11 a.m.
Adventure
Tatlong music videos ni Julie Anne San Jose ang kinunan sa USA na iba’t iba ang tema. Aniya, pinakapaborito niya ’yung nag-skate board siya para sa “Tidal Wave.” Hindi siya marunong mag-skate board, kaya kinailangang mag-aral muna siya for 30 minutes bago ang actual shoot.
“Parang adventure ’yun sa akin dahil kalaban ko ang lamig at hangin,” she said. “But then, sobrang saya ko, kasi I got to work with a lot of people with great teams.”
Ilo-launch this Sunday (June 21) ang naturang music video sa “Sunday All Stars” (SAS).
Busy-bisihan din si Julie Anne sa taping ng “Buena Familia,” bago niyang teleserye sa GMA7 kung saan si Jake Vargas ang kanyang leading man. Tampok din sina Kylie Padilla, Martin del Rosario, Bobby Andrews, Angelu de Leon at Mona Louise Rey.
Congratulations nga pala kay Martin del Rosario na nanalong best supporting actor sa nakaraang Gawad Urian para sa indie film na “Dagitab.” Plus factor ito sa kanyang career, patunay na hindi lang siya pretty boy next door, kungdi may acting talent.
Sana’y i-push nang GMA7 nang todo ang kanyang career at mabigyan na siya ng bigger projects na mas hahasa pang lalo sa pagiging drama actor niya.