HINDI expected ni Martin del Rosario na mananalo siyang Best Supporting Actor sa recently concluded 38th Gawad Urian para sa performance niya sa “Dagitab.” Isang estudyante ang role niya na na-involve sa isang older woman.
“Grabeng kaba ko noong nasa stage ako. The nomination is more than enough for me. Pero ’yung ako ang nanalo, ibang klase ’yung pakiramdam ko. Sobrang saya,” lahad ni Martin sa pocket presscon for him ng GMA Artist Center.
Magtataas na ba siya ng talent fee? “Ganoon pa rin (laughs),” ani Martin.
“Basta, lalo ko pang paghuhusayin ang pag-arte at sana, mabigyan ako ng GMA ng magagandang projects.”
Natapos na ang one-year contract niya sa Kapuso Network and soon ay pipirma siya ng panibagong kontrata.
Mapapanood si Martin sa upcoming afternoon prime na “Buena Familia” with Kylie Padilla as his love interest. May gagawin ding indie film si Martin, “La Ma Madre” with superstar Nora Aunor.
Nasa honeymoon stage pa rin
Kagagaling lang ni Ms. Boots Anson-Roa-Rodrigo mula sa kanyang US vacation with her husband, Atty. King Rodrigo, kaya tinukso siya ng entertainment press na dumalaw sa taping ng “LolaBasyang.com.”
“Eto, nasa honeymoon stage pa rin (laughs). God is good. Iba na magmahal ang mga nasa autumn season,” ani Ms. Boots.
Pinatay na ang karakter niya sa “Baker King” dahil binigyan siya ng bagong project ng TV5. Title role pa siya sa “LolaBasyang.com” na mapapanood every Saturday simula July 11 at 7 p.m.
Aniya, at her age, hindi na siya naghahangad ng title role, kaya nagulat siya nang sa kanya ibigay ng Kapatid Network ang project.
“Fascinated ako sa concept, kaya agad kong tinanggap. High-tech si Lola B na isang blogger. Challenge sa akin dahil in real life, hindi ako techy,” sambit ni Ms. Boots.
Ang dating TV5 executive na si Perci Intalan ang director ng “LolaBasyang.com”. Aniya, ginawa nilang modern si Lola B para maka-relate ang mga kabataan ngayon.
Pamilyar ang mga kabataan noon sa “Mga Kuwento ni Lola Basyang” na mga Pinoy folk tales rich in traditional values. Ang mga istorya ay sinulat ni Severino Reyes.
“Maraming humor at fantasy itong ‘LolaBasyang.com’ at siyempre, maraming matututung leksiyon,” lahad ni Direk Perci na siya ring producer (The Ideal First Company) in collaboration with his better-half, award-winning filmmaker Jun Lana.