MAY mga lesbian na dumadalaw sa taping ng “The Rich Man’s Daughter” at may mga nagpupunta rin sa mall show, ayon kay Glaiza de Castro. Pero aniya, hindi naman nagpaparamdam o gusto siyang ligawan ng mga ito.
“Supportive lang sila sa show namin. Mababait sila, very friendly,” saad ni Glaiza nang nakatsikahan naming sa set ng TRMD sa Mega Tent, Libis, QC.
Tomboy (Lipstick) ang role ni Glaiza sa TRMD, pero aniya, lalaki pa rin ang gusto niya. Single siya for the longest time at aniya, naghihintay pa rin siya sa lalaking mamahalin niya. “Yung hindi ako mamomroblema. Gusto ko, kasundo siya ng family ko,” ani Glaiza.
Si Benjamin Alves kaya ’yun? Sa isang interbyu, sinabi ng Kapuso actor na attracted siya sa babaeng may collar bone, gaya ni Glaiza.
“Sinabi niya ’yun (laughs)? Hindi naman siya nanliligaw sa akin,” anang Kapuso actress at talent ng GMA Artist Center.
Papasa ba naman si Benjamin sa kanya? “Mabait naman siya. Career driven. Ideal man. Pero marami siyang dapat pagdaanan sakaling manligaw siya (laughs),” sambit ni Glaiza.
Dating again
Balik-panliligaw si Pancho Magno kay Max Collins. Dating uli sila, pero not exclusively, ayon kay Max nang nakausap namin sa “Acting for Camera” workshop na isinagawa ng GMA Artist Center para sa kanilang talents na pinamahalaan ni direk Laurice Guillen. Parehong participants sina Max at Pancho.
Ayon kay Max, kahit dating uli sila ni Pancho, it’s nothing serious naman. Relax lang sila, enjoying each other’s company.
Pinatigil niya noon si Pancho sa panliligaw dahil pareho silang busy sa kanilang respective careers. Huling napanood si Max sa afternoon prime ng GMA, “Kailan Ba Tama ang Mali?”. Napadali ang pagtatapos ng serye dahil nabuntis si Empress Schuck.
May gagawing sitcom si Max, “Juan Tamad” with Sef Cadayona and this week ang umpisang taping. May gagawin din siyang movie sa Star Cinema with Matteo Guidicelli and Erich Gonzales.
Ani Max, marami siyang natutunan sa workshop nila kay direk Laurice gaya ng movements, tamang emosyon, tamang posisyon kapag nailawan ng kamera, delivery ng lines, etc. Strikta raw si direk Laurice, naninigaw paminsan-minsan.