KAHIT magkakasama sa isang bahay sa White Plains ang mag-iinang Lorna Tolentino, Rap at Renz Fernandez, bihira silang magkita, ayon kay Renz. Pare-pareho raw kasi silang busy sa kanilang trabaho. Si Rap, sa taping ng “Pari ’Koy,” si Renz sa “Yagit” at ang mama nila, sa bago nitong weekly series sa TV5, ang “Misterless Misis” with Ruffa Gutierrez and Gelli de Belen.
Ani Renz, kapag aalis siya, either wala o tulog ang kanyang mama LT, gayun din si Rap. Sa Cavite ang taping ni LT na gusto naman niya dahil pagkatapos ay nakakapunta siya sa farm niya sa Tagaytay City.
The last time na nakausap namin si LT, nabanggit niyang balak niyang ipagbili ang kanyang farm. Nahihirapan daw kasi siya dahil magma-migrate sa US ang friend niyang katulong niya sa pag-aasikaso.
Either wala pang good buyer si LT o nagbago ang isip niyang huwag nang ipagbili ang kanyang farm, kaya pinupuntahan pa rin niya ’yun pagkatapos ng taping niya sa “Misterless Misis.”
Kilig-kiligan
Kilig-kiligan at sobrang flattered si Carla Abellana sa nakarating sa kanyang sinabi ni Fernando Carillo na gusto siya nitong makatrabaho. Gandang-ganda sa Kapuso actress ang Venezuelan actor na gumanap bilang Fernando Jose sa Mexican telenovela na “Rosalinda.” Sa Filipino adaptation nito’y si Carla ang gumanap sa title role na first project niya sa GMA7.
Nasa bansa kamakailan si Carillo para sa isang business meeting with Manny Pacquiao for a possible movie project. Hoping and praying si Carla na makasama siya sa pelikulang gagawin nito with Pacquaio, sakaling matuloy ang negosasyon ng mga ito.
Samantala, kaabang-abang ang mga kaganapan sa “Pari ’Koy” kung saan gumaganap bilang Michelle si Carla. Matuloy kaya ang pagpunta nila ng anak niyang si Pinggoy (David Remo) sa America para mailayo ang bata sa ama nitong si Father Kokoy (Dingdong Dantes)?
Nagladlad na rin
Nagladlad na si Jeric Gonzales at join na rin siya sa liga ng mga bading. Walang hesitation na pumayag si Jeric na gumanap bilang bading sa isang episode na mapapanood sa “Magpakailanman.”
Aniya, sobrang pressure ang naramdaman niya noong nag-taping siya. Ibang-iba raw kasi sa pagkatao niya ang ginampanan niya, kaya talagang pinaghandaan niya dahil first gay role niya.
Sobrang challenging ’yun sa kanya, ani Jeric. Kung kaya ng mga kapuwa Kapuso actors niyang sina Martin del Rosario, Mike Tan at Gabby Eigenmann, kaya niya rin, ayon kay Jeric.
Prior sa taping, inobserbahan ni Jeric ang mga kilos at pananalita ng mga kakilala at kaibigan niyang bading. Paano sila mag-respond sa bawat sitwasyon at paano sila mag-interact sa mga tao.
Ani Jeric, humingi rin siya ng payo at tips kay Gabby Eigenmann na co-star niya sa “Pari ’Koy” at kay Mike Tan na isang gay role ang ginagampanan sa “The Rich Man’s Daughter.”
In the end, na-realize niya (Jeric) na ’yung instinct talaga ng isang aktor ang nagbibigay-buhay sa portrayal dahil aniya, sa kanyang obserbasyon at pag-aaral sa ibinigay na role sa kanya, meron agad nabubuong katauhan na naaayon sa kanyang kaalaman.
“Mas nagiging natural ang akting ko,” lahad ni Jeric na gumaganap bilang Erick sa “Pari ’Koy”.