SIGNIFICANT kay Ms. Boots Anson-Roa-Rodrigo ang TV5. Aniya, du’n ang unang show niya, “Dance-o-Rama” na pinagsamahan nila ng first husband niya, the late Pete Roa. That was in 1963 at 18 years old siya noon, ayon kay Ms. Boots.
Sa naturang dance show nagkakilala sina Boots at Pete at naging mentor pa niya ang huli.
Second husband ni Ms. Boots ay si Atty. King Rodrigo. One year na silang married.
May bagong show si Ms. Boots sa TV5, ang “LolaBasyang.com” na makabagong version ng “Lola Basyang.”
Orihinal na napakinggan sa radio ang mga kuwento ni Lola Basyang na si Luz Fernandez ang narrator.
Si Perci Intalan ang director ng “Lola Basyang.com”. Aniya, makabagong lola ang magkukuwento at high tech ang magiging presentation every week. Lolang walang salamin, hindi nakapusod ang buhok at naka-modern get-up ang makikita kay Ms. Boots.
Sa Sampaguita gardens kinukunan ang spiels ng premyadong aktres. Aniya, significant din sa kanya ang lugar dahil naging contract star ng Sampaguita Pictures ang daddy niya, the late Oscar Moreno.
Sa July 11 ang pilot telecast ng “LolaBasyang.com” na mapapanood every Saturday at 7 p.m. Tampok ang “Maryang Makiling” with Rodjun Cruz, Vin Abrenica, and Yna Asistio.
Sobrang proud
One year na ang “Yagit” at matatandaang June last year nagsimula ang auditions para sa mga bagong gaganap na mga batang yagit. Umere ito in October last year at matatapos na ngayong buwan ng Hulyo.
Patuloy na tinututukan ang karakter ng mga batang yagit na sina Chlaui Malayao, Jemwell Ventinilla, Judie dela Cruz at Zymic Jaranilla.
Bahagi rin ng afternoon series na ito ng GMA7 si Yasmien Kurdi na gumaganap bilang Dolores, ina ni Elisa (Chlaui). Aniya, sobrang proud siya na bahagi siya ng serye, lalo na’t nagtagal ito sa ere ng higit sa inaasahan nila.
“Isang malaking karangalan na bahagi ako ng palabas na ito na talaga namang tumatak sa mga manonood,” sambit ni Yasmien.
Marami pang dapat abangan na mga pasabog at rebelasyon sa nalalapit na pagtatapos ng “Yagit.” Dagdag nakarakter sina Nova Villa at Leni Santos.
Tutok lang mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “The Half-Sisters.”