KASADO na ang programang ipapalit sa “Sunday All Stars” na hanggang ngayong July na lang mapapanood. Next month ang airing ng “Sunday Pinasaya (SP)” na tatampukan nina Marian Rivera, Ai-Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Alden Richards, Julie Anne San Jose at Jerald Napoles. Co-produced ito ng GMA7 at Tape Entertainment.
Kasama sana rito si Regine Velasquez. Sa kung ano’ng kadahilanan ay tinanggihan niya. Magkasama sina Alden at Julie Anne sa SP, ibig sabihin, okey na sila. Wala na sigurong awkwardness at ano’ng malay natin, maging close (or closer pa) uli sila. Remember, naging “item” sila noon?
Paano na kaya ‘yung ibang GMA talents na hindi makakasama sa “Sunday Pinasaya”? Hindi na magiging masaya ang kanilang Sundays.
Nothing to worry
Nothing to worry si Dingdong Dantes kahit kabuntisan ay nagtatrabaho pa rin ang wife niyang si Marian Rivera. Magho-host lang naman ang Kapuso Primetime Queen at hindi siya sasayaw sa “Sunday Pinasaya.” Panay pa rin ang guesting ni Marian sa iba’t ibang programa ng GMA and so far, wala naming masamang nangyayari sa kanya and her baby.
May regular check-up siya sa kanyang doctor. Constantly, nag-e-exercise si Marian para hindi manakit ang kanyang katawan. Si Dingdong naman, busy-bisihan sa taping ng “Pari ‘Koy.” Mukhang pinagpapraktisan niya si David Remo na gumaganap na anak niyang si Pinggoy. Parang tatay na tatay ang dating ni Dingdong kapag magka-eksena sila ni David.
Nagparinig na naman
Mukhang gustung-gusto nang mag-asawa ni Sarah Geronimo. Nagparinig na naman siya na handang-handa na siyang magpakasal. Sinabihan niya ang isang batang contestant sa “The Voice Kids” na mukhang hindi pa ito handang magpakasal. Sus! Ang bata-bata pa kaya nu’n? “Ako, handang-handa nang pakasal,” nakangiting sabi ni Sarah. “Ayan ka na naman,” sabi tuloy ni Lea Salonga.
Hindi kaya napi-pressure si Matteo Guidicelli sa kapaparinig ni Sarah? Eh, ang daddy Delfin at mommy Divine niya, handa na rin kaya sa kanyang pagpapakasal? If ever, yayain na siya ni Matteo?
Cooking show
Simula today ang bagong 5-minute program, “Biyaheng NamNam (BNN),” hosted by Manilyn Reynes and Aurora “Babes” Austria (dating executive chef sa Malacañang Palace at nagtuturo ngayon sa Center for Culinary Arts). Itatampok sa BNN ang iba’t ibang lutuing espesyal sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, gamit ang sangkap na Lucky Me NamNam Tomato at Lucky Me NamNam Original.
Alamin ang iba’t ibang lutuin na ihahandog nina Manilyn at Chef Aurora every Tuesday and Thursday before “The Ryzza Mae Show” sa GMA7.
Free admission
Free admission at star-studded ang gaganaping Grand Kapuso Fans Day on July 26 sa SM Mall of Asia. Sa fans na nag-register online (July 10-13), makakatanggap sila ng confirmation email na maaari nang kunin ang tickets sa Souvenir Shop (GMA Annex) simula July 20-22, 2 to 5 pm. Sa mga walk-in, maaaring mag-avail ng dalawang ticket (July 23-24), 9 am to 5 pm sa Souvenir Shop (GMA Annex).