NAMI-MISS ni Jeric Gonzales ang dati niyang ka-love team na si Thea Tolentino at gusto niyang magkatrabaho sila muli. Wish din niyang ibalik ang love team nila. It’s been a while na kanya-kanya silang project. Nalinya sa kontrabida role si Thea at si Jeric, naghihintay pa rin ng lead role.
Supporting role si Jeric sa “Pari ‘Koy” na now you see, now you don’t ang pagsulpot ng karakter niya bilang Eli. Hanggang August na lang ang airing nito at wala pa siyang next project, ayon kay Jeric. Sana raw, si Thea naman ang makasama niya.
Hindi ba naging “sila” ni Thea? “Hindi!,” mabilis na sagot ni Jeric. “Friends lang kami.” Dahil ba may Mikoy Morales si Thea? Nginitian lang kami ni Jeric na aniya, meron siyang non-showbiz girlfriend. Kaya naman pala.
Kabilang si Jeric sa binuong 3Logy ng GMA Artist Center with Jak Roberto and Abel Estanislao. Sila ang kumanta ng theme song ng Koreanovela na “Pinocchio” titled “Pwede Ba?” composed by Mikoy Morales. May music video rin ito.
Three years pa ang kontrata ni Jeric sa GMA at umaasa siyang mabibigyan din siya ng big break. Kinakarir niya ang pagpapapayat dahil gusto niyang rumampa muli sa Cosmo Bachelor Bash in September this year. First time ni Jeric nag-join last year.
To keep him physically fit, nagdya-jogging at nagbabasketball si Jeric. He eats brown rice, fish, vegetables at no pork sa kanyang diet.
Flattered
Flattered si Abel Estanislao sa sinasabing magkahawig sila ni Aljur Abrenica. Pero aniya, may advantage at disadvantage. Advantage dahil kilala na hunk at guwapo si Aljur. Okey sa kanya kung pagkumparahin sila. Ang disadvantage, halimbawa raw may role na parehas bagay sa kanila ni Aljur, siyempre raw kay Aljur na ibibigay dahil mas sikat ito kesa sa kanya.
Parehas din sila ni Aljur sa tipo ng babae. Crush ni Abel ang ex-girlfriend ni Aljur na si Kylie Padilla. Haba naman ng hair ni Kylie. Crush din siya ni Martin del Rosario na kapareha niya sa “Buena Familia.”
Napapanood naman si Abel sa “Let the Love Begin” bilang mabait na kaibigan ni Ruru Madrid.
Bukod sa acting, nakakakanta rin si Abel. Music lover siya na namana niya sa kanyang daddy. Ito ang nagturo sa kanya kumanta.
Torpe
Unang napanood si Jak Roberto sa “Walang Tulugan with the Master Showman” at ngayon ay bahagi siya ng “The Half-Sisters.” Naging bahagi rin si Jak ng boy band na Project 4 with Mikoy Morales, Michael Pangilinan, and Ken Chan.
Kasama naman ni Jak sina Jeric Gonzales at Abel Estanislao sa 3Logy na binuo ng GMA Artist Center. Si Zenedee Zuniga ang kanilang mentor. Napapakinggan sa opmtogo.com ang kanta nilang “Pwede Ba?” and by the end of this month, available na ang ringback tone nito.
Balladeer siya, ayon kay Jak. Pero gusto niya ring maging drama actor. Nakagawa na siya ng isang indie film with Julio Diaz and Kiko Matos. Si Yassi Pressman ang crush niya na wish niyang makatrabaho. Wala siyang girlfriend dahil torpe siya at hindi marunong manligaw, ayon kay Jak. Owwsss???