MAGKASUNOD ang pilot telecast ng respective new shows nina Marian Rivera at Lovi Poe sa GMA, kaya siguro ayaw nilang palakihin pa ang “beso” photo nilang lumabas noong nagkita sila sa anniversary ng “Yes!” magazine.
Ayaw nilang maakusahang ginagamit nila ang isa’t isa para sa promotion ng “Beautiful Strangers” (BS) ni Lovi at “Sunday PinaSaya” (SP) ni Marian. Sa Aug. 9 ang initial airing ng SP, Aug. 10 naman ang BS.
No comment si Lovi nang tanungin siya sa presscon ng BS. “Move on na tayo,” sabi naman ni Marian sa presscon ng SP.
Aniya, okey na sila ni Lovi at positive nalang daw ang isipin. “Let go na,” sambit ng Kapuso Primetime Queen. Ayaw niya ng negativity at priority niya ngayon ang buhay may asawa at ang coming baby girl nila ni Dingdong Dantes.
Magse-seven months pregnant si Marian at aniya, hanggang kaya niya, aapir siya sa “Sunday PinaSaya.” Hindi naman daw siya pinagbabawalan ng kanyang OB-Gyne.
Mas fulfilling
Para kay Roi Vinzon, mas fulfilling ang maging direktor, kesa pagiging actor niya. Aniya, bilang isang aktor, nahihirapan siya sa magdamagang puyatan at matagal na paghihintay sa set para makunan ang mga eksena niya.
“Bilang direktor, kontrolado mo ang oras kung gusto mo nang i-pack-up ang taping o shooting. At saka, ikaw ang nagmamando sa mga gagawin ng artista. Ikaw ang nasusunod,” words to that effect na pahayag ni Roi. Siya ang director ng pelikulang “Maria Labo,” base sa true story ng isang Pinoy urban legend.
Ani Roi, narinig niya ang kuwento sa Visayas tungkol sa isang babaeng naging caregiver sa Dubai na nabaliw at naging aswang. Naging rape victim din ito.
May nakilalang isang matandang babae si Maria na nilawayan siya noong natutulog siya. Matapos ang ilang araw, nabalitaan niyang namatay na ang matandang babae. Nabaliw naman si Maria at ipina-deport siya sa Pilipinas.
Isang pulis ang asawa ni Maria at dalawa ang anak nila. Kinatay niya ang mga bata at ipinakain sa kanyang asawa na hindi nito alam na mga anak pala nila ang kinain nito.
Isang baguhan ang gumanap na Maria, si Kate Brios na tubong Davao, pero naka-base sa Bacolod City. Friend ito ng misis ni Roi na siyang nag-suggest na si Kate ang kunin niyang bidang artistang babae. Si Jestoni Alarcon ang gumanap na mister niya. Tampok din sa “Maria Labo” sina Sam Pinto, Dennis Padilla, Baron Geisler, Mon Confiado, Miggs Cuaderno, atbp.
Pasalubong
Ngayong Linggo, may pasalubong ang TV5 sa Pasalubong Capital of the Philippines! Dadayuhin ng “Happy Truck ng Bayan” ang Cabalen, Pampanga para maghatid-saya sa mga kababayan nating Kapampangan.
Ito ang una sa sunud-sunod na provincial events ng programa. Guests this Sunday sina Rufa Mae Quinto at Carl Guevarra. Tutok lang sa HTNB at 11 a.m.