URING-PURI ng isang not so young actress (NSYA) ang isang young actress (YA). Minsang nagkita sila sa isang event, kahit nagmamadali ang YA dahil siya na ang susunod na magpe-perform, nang nakita niya ang NSYA, nag-effort itong lumapit at nagpakilala. “Hi! Ako po si …”
Natuwa ang NSYA sa gesture ng YA. Napakabait daw pala nito at kahit kilala na, humble pa rin at marunong magbigay ng respeto sa mga nakatatandang artista.
Kabaliktaran daw nito ang isang YA na feelingera at may attitude problem. Maldita at hindi nag-e-effort mambati. Hate nga ito ng production staff na nakatrabaho ni YA sa isang commercial shoot. Sobrang maarte raw at demanding ang YA.
Di hamak din daw na mas magaling umarte si YA1 kumpara kay YA2. Sumuko nga raw ang isang direktor sa kabopolang umarte ng YA2. Hindi raw kasi nito maibigay ang gustong akting ni direk.
AlDub fever
Grabe talaga ang AlDub fever. Mainit na pinag-uusapan at sinusubaybayan ng madlang pipol ang kalyeserye sa “Problem Solving” ng “Juan for All, All for Juan” ng “Eat Bulaga.” Marami ang nagtatanong, kailan daw ba magkikita sa personal sina Alden Richards at Yaya Dub?
’Yun din ang tanong namin kay Malou Fagar, executive producer ng Tape Inc. (producer ng “Eat Bulaga”) noong nagkita kami sa birthday dinner ng isang common friend namin. “Kailan n’yo gustong magkita sina Alden at Yaya Dub?” balik-tanong ni Malou. “Soon!” sabi namin.
Ani Malou, pinag-iisipan pa nila kung kailan dapat magkita sina Alden at Yaya Dub. Hindi naman daw nila patatagalin at sa tamang panahon ay magkikita na ang dalawa.
Ayon pa kay Malou, aksidente lang at hindi plinano ang AlDub. Nalaman daw nilang crush ni Yaya Dub si Alden, kaya nagkaideya silang gawan ng kalyeserye ang mga ito. Eh, pumatok, kaya itinuluy-tuloy na nila.
Aminin man o hindi ni Alden and his camp, plus factor sa kanyang popularity ang pag-join niya sa “Eat Bulaga” dabarkads. Kahit wala siyang teleserye sa GMA, everyday siyang napapanood sa TV. Monday to Saturday, nasa EB siya. Sunday, nasa “Sunday PinaSaya” ang Kapuso actor.
Di pinangarap
Hindi pinangarap ni Kate Brios mag-artista. Successful businesswoman siya at meron siyang beach resort sa Bacolod City. May food supplement business din siya. Tubong Davao City si Kate, pero nag-relocate siya sa Bacolod.
Kate is in her early 30s, mother of two kids aged 8 and 6 years old. Happily separated siya, ayon kay Kate. Good friend niya ang non-showbiz wife ni Roi Vinzon na nag-suggest sa aktor na kunin si Kate para gumanap sa title role ng pelikulang “Maria Labo” na ididirek nito.
Tiyempong naghahanap si Roi ng isang baguhan at naisip niyang bagay kay Kate ang role. Hindi na nakatanggi si Kate nang alukin siya ni Roi. Base sa true-to-life story ang “Maria Labo” na nangyari noong Dekada ’80 sa isang bayan sa Visayas.
Tungkol ito sa isang babaeng naging OFW sa Dubai. Nabaliw, pinatay ang dalawang anak, niluto at ipinakain sa kanyang asawa. Nag-shoot pa sina Kate at Roi sa Dubai para sa ilang eksena ng movie.