NAWA’Y malampasan muli nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang panibagong pagsubok sa kanila. Nakunan sa ikalawang pagkakataon si Mariel sa triplets na ipinagbubuntis niya. Six weeks pregnant si Mariel at nakakalungkot at nakapanghihinayang na naudlot na naman ang pagiging ganap niyang ina.
Last March this year ay nagka-miscarriage si Mariel sa first baby sana nila ni Robin. Eight weeks pregnant siya at sobrang na-depress si Mariel. Ayaw pa nga niyang magparaspa at umasa siyang mabubuhay pa ang kanyang baby.
Must be double or triple pain ang nararamdaman ngayon ng mag-asawang Robin at Mariel dahil triplets ang nawala sa kanila. Ipagdasal natin na nawa’y makayanan nila ang nangyari.
Ang tanong, ituloy na kaya ni Robin gawin ang movie nila ng Japanese porno star na si Maria Ozawa? Titled “Nilalang,” kasali ito sa 2015 Metro Manila Film Festival.
Maganda sanang regalo
Birth month ngayon ni Mariel at wedding anniversary nila ni Robin. Maganda sanang regalo sa kanila ang triplets na anak kung hindi nakunan si Mariel. Isipin na lang na hindi pa tamang panahon para mabiyayaan sila ng supling.
Good thing na noong unang nakunan si Mariel, a month after or so ay inalok siya ng TV5 para maging co-host sa second season ng “Happy Wife, Happy Life” with Gelli de Belen, LJ Moreno, and Danica Sotto-Pingris. Isinama rin si Mariel sa “Happy Truck ng Bayan.” At least, nabawasan ang lungkot ni Mariel.
Kaya lang, pansamantala siyang nag-leave sa mga naturang shows dahil nagbakasyon sila ni Robin sa Spain last June at nag-research na rin sila para ma-trace ang roots ng pamilya Padilla. Isiningit na rin nila ang honeymoon and maybe, made in Spain ang triplets sana nila.
Pwede sigurong bumalik si Mariel sa “Happy Wife, Happy Life” at sa “Happy Truck ng Bayan” para malibang siya at mabawasan ang lungkot niya sa pagkawala ng triplets nila ni Robin. By the way, nasa Valenzuela City, Bulacan ngayong Linggo ang Happy Peeps ng “Happy Truck ng Bayan” para doon maghatid ng ligaya at papremyo. Abangan ang tropa sa Faustini Street, Bgy. Punturin.
Recording artist na rin
Recording artist na rin ngayon si Alden Richards. Pumirma siya ng exclusive recording contract sa GMA Records. Remake ng pop songs at dalawang original ang ire-record ni Alden at aniya’y dedicated niya sa kanyang fans ang album.
Ani Alden, overwhelmed siya sa nangyayari na feeling first time siyang pumasok sa showbiz. Paggising daw niya sa umaga at nababasa niya ang magagandang tweets at feedback sa social media, sobrang thankful siya for everything. “Sana, tuluy-tuloy na ang blessings. Pero siyempre ang importante sa lahat, parati kong mapaalala sa sarili kong hindi ako magbabago,” saad ni Alden.
Aminado ang Kapuso actor na malaking tulong sa tinatamasa niyang popularity ngayon ang exposure niya sa “Eat Bulaga.” Grabe ang pagtanggap sa AlDub tandem nila ni Yaya Dub. Pati ang co-actors niyang sina Ruru Madrid, Carla Abellana, Rhian Ramos, Charice Pempengco at Judy Ann Santos, to name a few, ay self-confessed fans ng AlDub. Inaabangan din ang paglabas ni Alden sa “Sunday PinaSaya” tuwing Linggo.