AT 74 years old, still the face that refreshes ang former Movie Queen na si Susan Roces. All these years, napapanatili ni Ms. Susan ang angkin niyang ganda.
Na-starstruck nga sa kanya si Robi Domingo noong nagkita sila sa renewal ng contract ni Ms. Susan bilang endorser ng Champion detergent. Pumirma siya ng another three years. For the past nine years, endorser siya ng naturang detergent.
Si Robi ang host sa ginanap na event sa isang hotel sa EDSA na dahil sa sobrang traffic ay sumakay siya ng MRT. Mula sa binabaan niyang MRT station sa Shaw Boulevard, nilakad lang ni Robi papuntang hotel. Nasulit ang pagod niya noong nagkaharap sila ni Ms. Susan at napaluhod pa si Robi sa sobrang respeto sa former Movie Queen.
Ayon kay Ms. Susan, ipinagmamalaki niyang endorser siya ng Champion. Bago niya tinanggap ang alok ng manufacturer-owner nito’y sinubukan muna niyang gamitin ang naturang detergent. Believe it or not, siya mismo ang naglalaba ng kanyang underwear (bra at panty). Aniya, pinalaki siya ng kanyang yumaong mama na siya ang naglalaba ng kanyang underwear mula pagkabata hanggang ngayong nagkaedad na siya.
Naghahamon
Sa renewal pa rin ng contract ni Ms. Susan sa Champion detergent, nagpahayag siya ng kanyang saloobin hinggil sa mga isyung ibinabato sa anak niyang si Senator Grace Poe. Hinahamon ni Ms. Susan ang sinumang tao na makakapagpakita ng DNA test result na makaka-match ni Sen. Grace. Aniya, matagal na silang naghahanap at magpapasalamat sila. Aniya pa, never niyang tinawag na adopted o pulot ang anak niya.
Tungkol sa citizenship ni Sen. Grace, ayon kay Ms. Susan, hindi niya alam ang pamantayan ng mga kumukuwestiyon. Dito sa Pilipinas, sa isang simbahan sa Jaro, Iloilo natagpuan ng yumao niyang asawang si Fernando Poe, Jr. ang noon ay sanggol pa lang na si Grace. Ibinigay nila ni FPJ ang kanilang mga pangalan kay Grace na itinuring nilang tunay na anak.
Bilang isang ina, labis na nasasaktan si Ms. Susan sa mga batikos sa kanyang anak. Aniya, personal na ang pag-atake na sinisira na ang pagkatao nito. May isyung diumano’y lasengga at nananakit ng mga kasambahay si Senator Grace. Ayon kay Ms. Susan, hindi niya pinalaking ganoon ang anak niya.
Tungkol sa political plans ni Sen. Grace, ani Ms. Susan, kung anuman ang maging desisyon ng kanyang anak, suportado niya ito.
Final episode
Final episode tonight ng “Pari ‘Koy” at thankful si Dingdong Dantes sa pagtanggap sa kanyang karakter bilang Father Kokoy. Sana raw ay tuluy-tuloy pa rin ang inspirasyong nakuha nila sa faith-serye. “I hope, we can always find the true meaning of being grateful and the true appreciation of our blessings even beyond the show,” saad ni Dingdong.
Abangan sa pagtatapos ng “Pari ‘Koy” kung alin ang mas matimbang kay Father Kokoy.