Kung tikom ang bibig ni Megan Young at deadma ever siya kapag tinatanong ang estado ng relasyon nila ni Mikael Daez, ang kapareha naman niyang si Tom Rodriguez sa “MariMar” ay ayaw bigyan ng label ang namamagitang relasyon nila ngayon ni Carla Abellana.
Basta aniya ng Kapuso hunk, very, very special sa kanya si Carla. Happy daw ito for him sa bago niyang project sa GMA. Binibigyan pa siya ng tips ni Carla dahil nakagawa na rin ito ng Pinoy adaptation ng isang Mexican telenovela, ang “Rosalinda.”
Si Mikael ang rumored boyfriend ni Megan na ayon kay Tom ay friend niya. Ayon pa kay Tom, walang dapat ipag-alala ang mga nag-iisip na baka magka-debelopan sila ni Megan habang ginagawa nila ang “MariMar.” Understanding at professional naman daw kung sinuman ang mga taong nagpapasaya sa kanila.
Pilot telecast ng “MariMar” on Monday, August 24, after “24 Oras” sa GMA 7. Ani Tom, talagang pinaghandaan niya ang kanyang karakter bilang Sergio Santibanez. May sexy scenes siya, kaya kinarir niya ang pagwo-workout. Tuluy-tuloy pa rin ito dahil ayaw niyang malait sa mga hubaran niyang eksena.
Role models
Masasabing role models ng mga kabataan sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Sa kabila ng kaabalahan nila sa kanilang showbiz career ay naisasabay nila ang kanilang pag-aaral.
Isinusulong nila ang kahalagahan ng pagbabasa sa pamamagitan ng kanilang long-term campaign na “Pass-a-Book ni BiGuel.” Thru this, magkakaroon ng sharing at exchange ng mga pre-loved books ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan.
Inaasahang maraming estudyante ang magdo-donate ng kanilang mga libro para makatulong at bilang suporta sa advocacy nina Miguel at Bianca.
Restaurateur na rin
Next month na ang JiuJitsu tournament na gaganapin sa Japan. Si Rocco Nacino ang representative ng Pilipinas, kaya todo ang pag-eensayo niya. Isasama niya si Lovi Poe para lalo siyang ma-inspire sa gaganaping tournament.
Bukod sa pag-aartista, may iba pang source of income si Rocco. Tatlo o apat na ang branches ng kanyang Elorde gym. Business partner naman niya ang kanyang kapatid sa isang restaurant sa tapat ng GMA Network sa Timog Ave., QC.
Tanggapin
pa rin kaya?
Si Julia Montes ang Royal Princess of Drama ng Kapamilya Network. Teen-Queen naman si Kathryn Bernardo. Una silang nagkasama sa “Mara Clara” kung saan kontrabida si Julia.
Pwedeng maging Royal Queen of Drama si Julia. Si Kathryn, hindi forever ang pagiging Teen-Queen kapag nag-20-years-old and above na siya. Nagbibida na rin si Julia. Umaariba na rin ang career kahit wala siyang permanenteng ka-love team. Kapag ipinareha si Kathryn sa iba,tanggapin pa rin kaya siya?