Sa Star Cinema, movie arm ng ABS-CBN, nakabalik si Derek Ramsay. Hindi siya Kapamilya muli at Kapatid star pa rin siya. May kontrata pa si Derek sa TV5 at mainstay siya sa “Happy Truck ng Bayan” na napapanood every Sunday kasama sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, at Gelli de Belen, among others.
Ginawa ni Derek sa Star Cinema ang “Ex With Benefits” na co-produced ng Viva Films. Happy ang hunk actor na muli siyang nakagawa ng pelikula sa movie arm ng ABS-CBN after almost three years.
Si Coleen Garcia ang love interest ni Derek sa “Ex With Benefits,” na tampok din sina Rayver Cruz at Meg Imperial mula sa direksiyon ni Gino Santos. Siguro naman ay makakapag-promote si Derek sa ilang programa ng ABS-CBN.
Matatandaang sa “The Janitor” na released ng Star Cinema ay wala ang name at picture ni Derek sa poster ng movie.
Wala rin siya noong presscon at hindi siya pinayagang mag-promote sa mga programa ng Dos. Bawal din banggitin ang name ni Derek ng mga Kapamilya stars na kasama niya sa naturang movie. Maski sa trailer, waley si Derek.
That time kasi, hindi pa nare-resolve ang tampuhan issue ng ABS-CBN at ni Derek dahil sa paglipat niya sa TV 5.
Thankful si Derek sa mga taong gumawa ng paraan para maayos na ang nangyaring “gusot.”
Good catch
Good catch si Yaya Dub (Maine Mendoza) sakaling magkadebelopan o magkatuluyan sila ni Alden Richards in real life.
Galing sa isang buena familia (rich) si Yaya Dub.
Ayon sa impormasyong nakuha namin, taga-Sta. Maria, Bulacan ang pamilya Mendoza at may mga gasoline stations (hindi lang isa kundi marami) at iba pang malalaking negosyo ang parents ni Maine. Rich din ang mga kamag-anak nila sa Bulacan na may malalaking negosyo rin.
Pangatlo si Maine sa apat na magkakapatid (three girls and a boy). Nag-graduate siya ng high school sa St. Paul’s College sa Bulacan at Culinary Arts graduate sa Dela Salle University. And take note, sa New York, USA siya nag-OJT (On the Job Training). Bongga, di ba? Only the rich can afford.
Kung sa Kalyeserye nila ni Alden sa “Eat Bulaga” ay yaya si Maine ni Lola Nidora (Wally Bayola), in real life ay lumaking may sariling yaya si Maine.
May isang katangian lang si Maine na ewan kung pasado kay Alden. Ibinuking ng mga kaibigan ni Maine na clumsy siya. Pero isang mabuting kaibigan si Maine, masayahin, matulungin, at maaasahan.
Nagtaas ng TF
Dahil sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Alden Richards, balitang nagtaas na rin siya ng talent fee. ‘Heard, double or triple ang asking price niya ngayon sa mga kumukuha ng kanyang serbisyo, lalo na sa out-of-town shows.
Okey lang na magtaas ng TF si Alden.
Pero huwag naman sanang pati ulo niya’y lumaki rin. Sana’y manatili siyang mapagkumbaba at magiliw makiharap sa mga tao. Press friendly si Alden at sana’y hindi siya magbago. Or else!
Tuluy-tuloy pa rin
Tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid ng kasiyahan at pa-premyo ng tropang “Happy Truck ng Bayan” ngayong Linggo. Tutok lang sa mga kaganapan sa TV5 at 11 a.m.
Samahan ang happy peeps na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Gelli de Belen, at iba pang Kapatid stars sa kulitan, aliwan, at mga pasabog.