DALAWANG episodes lang ng “Misterless Misis” ang naipalabas ng TV5.
Hindi na ito umere nitong nakaraang Linggo (Aug. 23).
How true, diumano’y nagkaroon ng problema sa programming ng network?
Aayusin daw ang MM para mapaganda pa at maging mas entertaining sa pagbabalik nito sa ere.
Tampok sa MM sina Lorna Tolentino, Gelli de Belen, Ruffa Gutierrez, Mitch Valdez, Ritz Azul, at Andie Gomez.
Ang “KisPinoy,” hosted by Richard Gutierrez ay natsugi na.
Pagbabalik-TV pa naman ’yun ni Richard after a long while.
How sad naman na parehong nawalan agad ng show sa TV5 ang magkapatid na Ruffa at Richard.
Freelance naman sila, kaya pwede silang tumanggap ng offer mula sa ibang network.
Walang iwanan?
Iniwan nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs ang GMA7.
Lumipat sila sa TV5.
Ang dahilan ni Ogie ay gusto niyang matulungan ang ninong niya sa kasal at may-ari ng Kapatid Network na si Mr. Manny Pangilinan.
Sumunod kay Ogie si Janno at pinagsama pa sila sa “Happy Truck ng Bayan.”
Sa nangyayaring “kaguluhan” ngayon sa TV5, ano kayang masasabi nina Ogie at Janno?
Did we hear it right na bilang na rin ang mga araw sa ere ng “Happy Truck ng Bayan?
Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng kasiyahan at mga papremyo ng HTNB.
Ngayong Linggo (Aug. 30), nasa Malabon National High School ang tropang Happy Peeps.
So, abangan n’yo lang sina Ogie, Janno, Gelli de Belen at iba pang Kapatid stars.
In demand
In demand si Ai-Ai de las Alas sa GMA Pinoy TV shows abroad. Sa Sept. 5, nasa New York City siya para sa Kapusong Pinoy show.
Sa Town Hall Midtown Manhattan ang venue at kasama niyang magpe-perform sina Dingdong Dantes, Julie Anne San Jose, Betong Sumaya at Christian Bautista.
Since lumipat ang Philippine Comedy Queen sa GMA ay nagkasunud-sunod na ang blessings sa kanya.
Kaya naman, sobrang thankful si Ai-Ai sa Kapuso Network sa second chance na ibinigay sa kanya.
Umaalagwa na naman ang kanyang career.