NANGHINAYANG si Coco Martin na hindi sila nag-abot ng idol niyang si Fernando Poe, Jr.
Ani Coco, noong namatay ang Action King (Dec. 14, 2004 ) ay first shooting day niya ng una niyang pelikula, “Masahista.”
Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makadalaw sa burol ng yumaong Action King.
Nanghinayang si Coco na hindi sila nagkita at nagkausap noong nabubuhay pa si FPJ.
Tiyak daw na marami siyang matututunan sa kanyang super hero.
Aniya, noong bata pa siya’y pinanonood niya ang mga pelikula ni FPJ.
Kabisado nga niya ang mga pamagat, pati istorya, ng mga ito.
Alam na alam din ni Coco ang mga kabutihang ginawa ni FPJ sa kapuwa nito at kung paano ito minahal ng sambayanang Pilipino.
Kaya naman sobrang proud si Coco na sa kanya ipinagkatiwala ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng Dreamscape Entertainment Television, gampanan ang role ni FPJ sa pelikulang “Ang Probinsiyano” sa TV version nito.
Kambal ang karakter ni Coco bilang Ador at Cardo na pinaghiwalay ng tadhana ngunit pinag-isa ng kanilang pangarap na makapaglingkod sa bayan bilang mga pulis.
Ani Coco sa kanyang solo presscon para sa “Ang Probinsiyano,” one week siyang nag-training sa Camp Crame kasabay ang mga totoong pulis.
Noong bata pa siya’y pinangarap niyang maging pulis, pero ayaw ng lola niyang nagpalaki sa kanya.
Aniya pa, sa Novaliches, QC siya ipinanganak, pero lumaki siya sa San Fernando at Arayat, Pampanga, kaya may pagka-promdi (probinsiyano) siya. Naliligo siya sa ilog, naglalaro sa palayan.
Tribute kay FPJ ang “Ang Probinsiyano” at kasama rin sa TV version nito sina Maja Salvador, Bela Padilla, Albert Martinez, Agot Isidro, Arjo Atayde, Jaime Fabregas at Susan Roces.
Sa direksiyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.
Celebrity Advocate for Children
Si Julie Anne San Jose ang newest Celebrity Advocate for Children ng World Vision.
Magiging bahagi siya ng iba’t ibang charity and community outreach programs, lalo na sa pagpapalaganap ng kapakanan at edukasyon ng mga bata.
Bago pa naging official Celebrity Advocate for Children ng World Vision si Julie Anne ay tumutulong na siya sa iba’t ibang activities nito, tulad ng “Bangon Pinoy,” benefit concert para sa mga biktima ng bagyong Yolanda (2013) at “White Event Online Celebrity Auction for a Cause.”
Sponsor din ang Kapuso star ng dalawang World Vision children.
Magkasama na naman
Magkasama na naman this weekend sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Nasa Cagayan de Oro sila para sa selebrasyon ng Higalaay Festival.
May Kapuso mall show sila sa activity center ng Centro Ayala Mall.
Magpapakilig sina Dennis at Jennylyn sa fans nila sa CDO.
Ayaw pa ring umamin nina Dennis at Jennylyn na nagkabalikan na sila kahit madalas makitang magkasama sila.
Ang pinakahuli’y sa concert ni Arianna Grande.
Present din si Dennis sa nakaraang 7th birthday celebration ng anak ni Jen (father is Patrick Garcia) na si Alex Jazz.
Kasama pa ni Dennis ang kanyang daddy at anak niyang si Calix (mother is Carlene Aguilar).
Hinihintay lang marahil nina Dennis at Jennylyn ang tamang panahon at aamin na rin sila.
Abang-abang nalang pag may time.