TEN to twelve Kapuso male stars ang nag-audition para sa upcoming GMA afternoon series na “Destiny Rose.” Si Ken Chan ang napili at aniya, napaiyak siya, pati ang parents niya, lalo na ang kanyang mama.
“Sobrang saya ko. Ang tagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon. Kinabahan ako na baka mabawi pa ang role sa akin,” lahad ni Ken nang nakausap namin.
Laking pasasalamat ni Ken kay German Moreno dahil binigyan siya nito ng pagkakataong maging bahagi ng “Walang Tulugan with the Master Showman.” Ayon kay Ken, marami siyang natutunan sa programa. Sinanay siya ng kanyang tatay Germs sa acting, dancing at hosting. Pinag-workshop din siya ng kanyang tatay Germs.
Feeling super lucky si Ken na sa kanya ipinagkatiwala ang lead role ng “Destiny Rose.” Siguro raw, dahil maliit ang kanyang katawan na parang babae, siya ang napili para sa transwoman role. ’Yun daw kasing ibang Kapuso male stars na nag-audition ay hunk ang dating.
Peg ni Ken sa kanyang transwoman role sina Jennylyn Mercado, Carla Abellana at Heart Evangelista. Aniya, nag-reaserch pa siya tungkol sa mga transwoman.
Ayon pa sa tsinitong Kapuso star, hindi siya worried na baka mapagkamalan siyang bading. Sigurado siya sa kanyang sexual preference. May girlfriend siyang commercial model at five months na ang kanilang relasyon. Malaking tulong daw ang GF niya sa transwoman role niya sa “Destiny Rose.” Inoobserbahan niya parati ang mga kilos at pananalita nito.
Stage play
Nagtatanong ang fans nina Aljur Abrenica at Kris Bernal kung ano na raw ba ang nangyari sa pagsasamahang project nila sa GMA? Natuwa sila noong nabalitang may gagawin silang bagong teleserye.
Huling napanood si Kris sa “Hiram na Alaala” with Dennis Trillo and Rocco Nacino. Magiging bahagi rin si Kris ng “Starstruck 6” na mapapanood na next month. Sina Dingdong Dantes at Megan Young ang hosts. Judges naman sina Joey de Leon, Regine Velasquez at Jennylyn Mercado.
Samantala, busy-bisihan muna si Kris sa kanyang first stage play na “Noli at Fili Dekada Dos Mil.” She plays Maria Clara at kapareha niya si Lucho Ayala.
Lalabas na
More than six months ago ang huling drama series na ginawa ni Alice Dixson sa ibang network. Nagbalik-GMA siya at kasama siya sa “MariMar.” She plays Mia, asawa ni Gustavo (Zoren Legaspi) at anak nila si MariMar (Megan Young).
Marami ang pumuri sa akting ni Alice sa eksenang hinahanap niya ang nawawalang sanggol nilang anak nang lumubog ang sinasakyan nilang yate. Punung-puno ng emosyon si Alice.
Looking forward siya na maka-eksena si Megan. Nagkatrabaho na sila sa isang teleserye noon sa TV5. Masaya si Alice na muli silang magkatrabaho ni Megan na aniya’y mabait at marespeto sa senior stars like her.
Abangan ngayong Lunes ang paglabas ng karakter nina Megan at Tom Rodriguez bilang MariMar at Sergio.