Ayon sa Kapamilya Teleserye King, kapag nakapagpundar na siya para sa future family niya, only then siya magse-settle down.
“Ayokong kung kalian ako may sarili nang pamilya at saka pa lang ako kakayod nang husto.
Gusto ko, handang-handa na talaga (financially and emotionally) ako para ma-enjoy ko ang sarili kong pamilya,” words to that effect napahayag ni Coco sa solo presscon niya para sa upcoming TV series niya sa ABS-CBN, “Ang Probinsiyano.”
Inuna muna kasi ni Coco ang kanyang parents at siblings na mabigyan ng stable future.
Pinag-aral niya ang mga kapatid niya.
Nagpatayo siya ng mala-mansion cum resort kung saan may-tig-isang kuwarto (na parang condominium unit) ang mga ito.
Dahil hiwalay ang kanyang parents, ipinagpatayo ni Coco ang mga ito ng separate houses.
Ang lolang nagpalaki sa kanya ang kasama ni Coco sa kanyang mansion cum resort.
Blessings ang kapalit ng pagiging mapagmahal ni Coco sa kanyang pamilya.
Marunong din siyang tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya para marating ang kinalalagyan niya ngayon.
Ayon kay Coco, kasama pa rin niya hanggang ngayon ang mga taong ’yun.
“Wala akong ginagawang masama sa kapuwa ko.
Straight akong tao. Hindi ako paliguy-ligoy,” saad ng bida ng “Ang Probinsiyano.”
Di feeling sikat na
More than 10 product endorsements na ang nagawa ni Liza Soberano.
Ang pinakabago ay Nails.Glowng NDG.
Si Liza ang kauna-unahang celebrity endorser nito at kamakailan ay ginanap ang contract-signing sa isang hotel sa QC. Siya ang unanimous choice ng binuong research team ng NDG, pati ng mga franchisee nito.
Six years na itong may 40 branches nationwide.
Bukod sa ganda ng mukha at karakter at positibong imahe, plus factor ang mala-hubog kandilang mga kamay at daliri ni Liza para maging perfect choice bilang tagapagpalaganap ng beauty and wellness, ayon sa franchiser-president-CEO ng NDG na si Ms. AJ Opena.
Dahil sa kanyang commercial endorsements, nakabili na si Liza ng sariling bahay.
Nagpaplano na rin siyang bumili ng bagong sasakyan.
After “Forevermore,” magkasama silang muli ni Enrique Gil sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN.
Uunahin muna ni Liza gawin ang dalawang pelikula. Sa isa ru’y kasama niya sina Gerald Anderson at Enrique Gil.
Nararamdaman ba niyang sikat na siya? “Ay, hindi.
Walang gano’n. Thankful lang ako sa blessings na dumarating sa akin.
Sana, tuluy-tuloy na,” saad ni Liza.
Awkward
Nag-sensuality workshop sina Ken Chan at Fabio Ide para sa kissing scenes nila sa “Destiny Rose.”
Noong una’y nagkakahiyaan pa sila, ani Ken.
Awkward silang pareho.
Isang transwoman ang role ni Ken at aniya, tatlong wig ang binili ng production para gamitin niya.
Mahal daw pala ang wig.
Ang isa ru’y P48,000 ang halaga.
Provided din si Ken ng mga damit-pambabaeng isusuot niya, pati shoes at make-up.
“Destiny Rose” also stars Katrina Halili, Sheena Halili, Jackielou Blanco, JC Tiuseco, Irma Adlawan, Michael de Mesa na gay rin ang role, Joko Diaz at Manilyn Reynes na gaganap bilang parents ni Ken.
May special participation si Jeric Gonzales. Directed by Don Michael Perez.
“Sabi sa akin ng production staff, huwag akong mapi-pressure sa ratings.
Hindi ko raw kasalanan kung anuman ang maging resulta.
Basta ako, gagawin kong lahat ng best ko para hindi mabigo sa kanilang expectations ang GMA,” sambit ni Ken.