DUMATING sa bansa si Rachelle Ann Go para mag-record ng theme song ng GMA Pinoy TV flagship international channel ng Kapuso Network.
This time, mahaba-haba ang kanyang bakasyon, kaya nakapag-bonding siya with her family and friends.
Two weeks siya sa Pilipinas, kaya sinasamantala niya ang pagkakataong makasama ang mga mahal niya sa buhay.
Pagbalik niya sa London, magiging busy na naman si Rachelle sa musical play na “Les Miserables.”
Bago ito, gumanap naman siya bilang Gigi sa West End revival ng hit musical na “Miss Saigon” kung saan umani siya ng mga papuri dahil sa maganda niyang performances.
Chill lang
Isang Kapuso actor ang bagong nagpapasaya ng puso ngayon ni Kylie Padilla.
Pero aniya, hindi pa siya handang mag-commit sa panibagong relasyon.
Chill lang muna ang puso niya.
Pakilig-kilig lang muna dahil career muna ang focus niya. Chos!
Sinabi na rin ’yun ni Kylie, hanggang inamin niyang may non-showbiz boyfriend siya.
After two or three months, nag-break sila.
Older ng ilang years (hindi naman katandaan) ang Kapuso actor na nagpapakilig ngayon kay Kylie.
Ayaw muna niyang pangalanan kung sino ito dahil ayaw raw nitong ipangalandakan niya (Kylie) kung anuman ang namamagitan between them.
Bakit?
Ikinahihiya ba ng guy na ma-link ang name niya kay Kylie?
Kung sincere ang intensiyon ng Kapuso actor na ’yun, dapat maging proud siya kay Kylie.
O, hindi kaya afraid lang ang guy na baka may kumontra sa namumuong “something” sa kanila ni Kylie?
Challenge
Lumabas na ang karakter ni Tom Rodriguez sa “MariMar” bilang Sergio Santibañez.
Expected na niyang ikukumpara siya kay Dingdong Dantes na gumanap bilang Sergio sa unang Pinoy adaptation nito.
Si Marian Rivera ang gumanap bilang Marimar dito.
Ayon kay Tom, sa halip na ma-bother siya sa pagkukumpara sa kanila ni Dingdong, itinuturing niyang big challenge sa kanya ang role na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA.
“I’ll do my best nalang para ma-appreciate rin ng televiewers ang karakter na ginagampanan ko,” anang Kapuso actor.
Nagkausap daw sila ni Dingdong sa isang event at masaya raw ito na sa kanya ipinagkatiwala ang role na ginampanan nito noon.
Nagpahayag pa raw ng suporta si Dingdong sa kanya at sobrang thankful siya sa Kapuso Primetime King, ayon kay Tom.
Inaabangan ng televiewers ang topless scenes ni Tom sa “MariMar.”
Tuluy-tuloy pa rin ang pagwo-workout niya. Kinakarir niyang lumabas ang six-pack abs niya.
“Nahihiya pang lumabas ’yung iba,” joke ni Sergio Santibañez (a.k.a. Tom Rodriguez).