FEELING super blessed and honored si Fabio Ide na siya ang love interest ni Ken Chan sa “Destiny Rose.”
Aniya, amazing opportunity ang ibinigay sa kanya ng GMA7.
“This is the time for me to shine.
I’ll give my best.
Different kind of Fabio ang mapapanood,” saad ng Brazilian-Japanese model turned actor sa presscon ng DR.
Aniya pa, kinakarir niya matutong magsalita ng Tagalog.
Nag-sensuality workshop din sila ni Ken. May exercises silang ginawa para sa mga loving-loving moments nila.
“At first, we both felt awkward.
We were uncomfortable with each other.
Then, we got to talk a lot, look at each other’s faces.
Nagpakiramdaman kami,” lahad ni Fabio.
Bukod sa pagmomodelo at pag-aartista, may mga business si Fabio at aniya, doing good ang mga ito.
yaw na niyang bumalik sa Brazil at dito na sa Pilipinas gusto niyang manirahan for good.
Hindi niya itinatagong may anak siya kay Denise Oca (anak ng aktres na si Melissa Mendez).
Ani Fabio, very proud siya sa kanyang daughter.
Sinusuportahan niya ito financially and everything na kailangan ng anak niya.
Si Bianca Manalo (ex-girlfriend ni John Prats now married to Isabel Oli) ang current girlfriend ni Fabio.
Two years na silang together at wish ni Fabio na she’s the one na talaga at maging forever ang kanilang relasyon.
Sa tamang panahon
Nag-audition din pala si Jeric Gonzales sa “Destiny Rose.”
Pero si Ken Chan ang mapalad na napili para sa transwoman role.
“Siguro, hindi para sa akin ang role,” ani Jeric.
Thankful pa rin siya sa GMA7 na isinama siya sa cast ng “Destiny Rose.”
Katatapos lang ng “Pari ’Koy” kung saan naging bahagi si Jeric at agad ay may kasunod na ito.
Aniya, hindi masama ang loob niya o nagtampo siya na hindi sa kanya ibinigay ang title role sa “Destiny Rose.”
Masaya raw siya for Ken sa big break na ibinigay ng Kapuso Network.
“Positivity na lang para good vibes,” ani Jeric.
Nagpakatotoo naman si Jeric sa sinabi niyang umaasa rin siya na sa tamang panahon ay mabibigyan din siya ng solo project.
Nag-lead role na si Jeric sa ilang teleseryeng ginawa niya sa GMA.
But then, hindi sa kanya nakasentro ang istorya. Siyempre, iba kung mabibigyan din siya ng launching project.
Male winner si Jeric ng “Protégé” The Big Artista Break” na si Thea Tolentino (his former love team) ang female winner.
Magkapatid magkaagaw
First time magkatrabaho ang real-life sisters na sina Megan at Lauren Young sa “MariMar.”
Ani Lauren, dream come true sa kanya at nag-e-enjoy siyang katrabaho ang kanyang ate Megan.
Kung sa “MariMar” ay magkaaway at magkaagaw sina Megan at Lauren sa isang lalaki (Tom Rodriguez), in real life ay never nilang pag-aawayan o pag-aagawan ang isang lalaki.
“Magkaiba kami ng taste (laughs),” ani Lauren.
Kung hate ng televiewers ang karakter ni Lauren, love naman nila si Megan na mabait, mapagmahal, matulungin, pero palaban.
Tutok lang sa “MariMar” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Telebabad.