SUPORTADO ng mga anak ni Ai-Ai de las Alas ang ginagawa niyang pagtulong kay Jiro Manio.
Aprub sa mga ito na sa bahay ng Philippine Comedy Queen titira si Jiro paglabas niya sa isang facility kung saan siya ipinaparehab.
Ayon kay Ai-Ai, parang kapatid na rin ang turing ng mga anak niya kay Jiro.
Ani Ai-Ai, wala itong ibang matitirahan kapag lumabas na sa facility.
May hindi pagkakaunawaan si Jiro at ang tumatayong tatay-tatayan niyang si Andrew.
Patay na ang biological mom ni Jiro.
Ang Japanese biological dad niya ay nasa Japan at may sakit at kalalabas lang ng ospital.
Hindi nga lang ito nakausap nang personal ni Ai-Ai noong nagpunta siya kamakailan sa Japan.
Isang Japanese friend niya ang kumausap sa father ni Jiro at napag-alaman niyang masama ang loob nito dahil hindi naman pala nakakarating kay Jiro ang mga ipinapadala nito.
Ang akala naman ni Jiro ay pinabayaan na siya ng kanyang father, kaya masama rin ang loob niya rito.
Napag-alaman din ni Ai-Ai na may kinalaman dito diumano ang lola ni Jiro (sa mother side) dahil may isyu ito at ang father ni Jiro.
Kung anuman ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa, ayaw niyang pakialaman, ayon kay Ai-Ai.
Basta aniya, gagawin niyang lahat para magkasundo si Jiro and his dad.
“Yun ang ipinangako ko kay Jiro.
Walang kapalit ’yun.
Hindi ko siya ginagamit para mapag-usapan ako,” mariing sabi ni Ai-Ai sa presscon ng “CelebriTV.”
Bukas ang simula ng “CelebriTV” pagkatapos ng “Wish Ko Lang” sa GMA7.
Co-hosts niya sina Joey de Leon at Lolit Solis.
Consultant naman si Ricky Lo at may exclusive interviews siya sa local at Hollywood celebrities.
Sa kanya rin natoka ang coverage para sa kasal, binyag at patay (KBP) ng celebrities.
Management decision
Sinabihan pala si Aiza Seguerra ng management ng ABS-CBN na mag-leave of absence siya sa “ASAP.”
Kasama kasi si Aiza sa cast ng “The Ryzza Mae Show Presents: Princess in the Palace” na pagsasamahan nila ni Ryzza Mae Dizon.
Ani Aiza sa presscon nito, naintindihan niya ang desisyon ng ABS-CBN management.
Six years siyang naging bahagi ng “ASAP” at naging special sa kanya ang naturang Sunday show.
Pero aniya, itinuturing niyang pamilya ang Tape, Inc. prodyuser ng “Princess in the Palace.”
Ito rin ang prodyuser ng “Eat Bulaga” at malaki ang utang na loob niya dahil du’n siya nagsimula.
Naging Little Miss Philippines siya sa naturang noontime show.
For the longest time, naging bahagi si Aiza ng EB.
Noong nawala siya roon, bilang respeto sa EB, never siyang tumanggap ng show sa ibang network na katapat nito.
Ani Aiza, wala siyang exclusive contract sa kahit anong network.
Hindi naman katapat ng “ASAP” ang “Princess in the Palace” dahil Monday to Friday ito, 11:30 a.m. to 12 nn sa GMA7 simula Sept. 21.
Every Sunday naman ang “ASAP.”
Kung sana’y sa “Sunday Pinasaya” kasama si Aiza na Tape Inc. din ang prodyuser, katanggap-tanggap pang alisin si Aiza sa ASAP.
Abangan kung magge-guest si Aiza sa “Sunday PinaSaya” para mag-promote ng “Princess in the Palace.”
First teleserye together ito nina Aiza at Ryzza Mae.
Naging Little Miss Philippines din ng “Eat Bulaga” si Ryzza.
Nagkasama sila sa Holy Week special ng EB.
Payo niya kay Aling Maliit, “Huwag lalaki ang ulo, mahalin at respetuhin ang trabaho.
Talent ang magdadala sa ’yo, hindi good looks. Kailangan din ang tamang pakikisama sa mga katrabaho.”
Presidential guard ang role ni Aiza sa PITP.
Tampok din sina Eula Valdes, Dante Rivero, Boots Anson-Rodrigo, Ciara Sotto, Marc Abaya, Ces Quesada.