Nagtatanong ang fans nina Aljur Abrenica at Kris Bernal kung ano na raw ba ang nangyari sa teleseryeng pagsa-samahan nila muli?
Nabalita kasi na may reunion project sila sa GMA7.
Noong nagkaayos na si Aljur at ang GMA, una siyang lumabas sa “Party Pilipinas.”
Noong nawala ito at naging “Sunday PinaSaya,” nawala na rin si Aljur.
Hindi pa siya nag-ge-guest sa naturang Sunday show.
Hindi na rin siya napapanood sa ibang programang GMA.
Si Kris, kasama sa “Starstruck 6” bilang journey host.
Kasama niya ang iba pang Starstruck alumni. Produkto rin si Aljur ng naturang artista search, pero hindi siya isinama sa bagong season ng “Starstruck.”
How true kaya ang tsika na diumano, may hindi na namang pagkakaunawa ang namamagitan between him and GMA?
Kaya raw naka-“freeze” na naman ang kanyang career.
How true na diumano, gusto ni Aljur na may co-manager kapag pumirma siyang panibagong kontrata sa GMA?
Ayaw naman daw ng GMA.
Hindi kaya may nagsulsol na naman kay Aljur?
Inamin na nga niyang nagkamali siya na napadala siya noon sa sulsol ng ibang tao, kaya nakagawa siya ng maling hakbang na kinalaban niya ang GMA.
Naayos na at nakabalik na siya sa Kapuso Network, hayan na naman at tipong going nowhere ang kanyang career.
Concert series
Turning 38 years old si Gloc-9 on October 18. Eighteen years na siya sa entertainment industry at bilang pasasalamat, may first ever solo concert series si Gloc-9 na gaganapin next month sa apat na Sabado ng October 10, 17, 24 & 31 sa Music Museum.
Titled “Ang Kwentong Makata: Gloc-9 Live!” kasama ni Gloc-9 ang banda niyang GlocNine at every Saturday ay may iba’t ibang guest performers.
Ayon kay Gloc-9, wala sa wish list niya ang mag-solo concert.
Masaya na siya kung anuman ang narating niya ngayon.
“Thankful ako sa mga patuloy na sumusuporta sa akin at pagbubutihin ko lalo ang trabaho ko,” ani ng magaling na rapper sa presscon.
Ang management company ni Gloc-9 (PPL Entertainment, Inc.) ang nag-push para magkaroon siya ng solo concert series.
Ani Gloc-9, excited at kabado siya sa gagawin niyang concert series.
Mga original songs na sinulat niya ang kakantahin ni Gloc-9 na aniya, sa pamamagitan ng kanyang mga awitin ay malalaman ang kuwento, damdamin at saloobin niya sa 18 years niya sa industriya.
Beneficiary ng kanyang concert series ang Yes Pinoy Foundation.
Samantala, released na ang bagong self-produced single ni Gloc-9, “Payag.”
Sumasalamin ito sa kalagayan ng ating bansa, lalo pa’t nalalapit na ang 2016 elections.
Ayaw mag-assume
Hindi pa rin “mamatay-matay” ang tsismis na diumano, may “something” between Glaiza de Castro and Benjamin Alves.Halata naming kilig-kiligan si Glaiza kapag tinatanong siya tungkol kay Benjamin.
Hindi niya masagot kung nanliligaw ba sa kanya ang Kapuso actor.
Ito nalang daw ang tanungin. Mahirap na nga namang mag-assume at baka i-deny siya ni Benjamin.
Magkakaroon ng first solo concert ever si Glaiza on October 3 sa Music Museum at kaabang-abang kung nasa front seat si Benjamin bilang suporta sa kanya.
Dinig namin, madalas diumano dumadalaw ang binata sa rehearsals ni Glaiza. ‘Yun na!
Guest performers sina Rhian Ramos, Regine Velasquez-Alcasid, Aiza Seguerra at Jay-R.