In line sa Diamond Jubilee anniversary ng Quezon City, magiging bahagi ang 2nd QC International Pink Film Festival na magsisimula sa October 6-11, 2015.
Venue ang Cinema 1, Gateway Mall, Cubao,QC.
Organized by the QC Pride Council sa pakikipagtulungan ng Quezon City government under the auspices of mayor Herbert Bautista, 14 ang participating countries at 32 films ang ipapalabas, ayon sa festival director na si Nick de Ocampo.
Mga gay international at local films ang ipapalabas bilang recognition sa LGBTQ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer) community.
Ipapalabas din ang festival entries sa iba’t-ibang barangay sa QC, ayon kay De Ocampo. “By bringing film screenings closer to the people, we bring our advocacy of achieving gender-fairness a step closer to reality,” saad ni De Ocampo.
Aniya pa, pipirmahan na ni mayor Herbert this October ang Gender Fair Ordinance, authored by Councilor Mayen Juico.
Ang naturang historic social emancipation bill ang kauna-unahan sa Asia, kaya laking pasasalamat nila sa suporta ni mayor Herbert at ng QC Council sa LGBTQ community.
“Ang karapatang pantao ay para sa lahat, hindi lamang para sa iilan lang, “saad ni Mayor Herbert.
Wala raw nag-utos
No talk, no intrigue.
‘Yan sana ang naisip ni Sheryl Cruz bago siya nagpahayag ng kanyang saloobin hinggil sa pagkandidato ni Senator Grace Poe bilang president sa 2016 elections.
Nega (as in negative) ang dating ni Sheryl dahil sa halip na suporta ang ibigay niya sa anak ng kanyang Tita Susan (Roces), kinuwestiyon pa niya ang kakayahan ng pinsan niyang si Senator Grace.
Hindi tuloy maiwasang isipin ng ibang tao na baka raw may pinanggagalingan si Sheryl kung bakit nagpakawala siyang mga gano’ng pananalita.
Aniya, walang nag-utos sa kanya at sarili niyang opinion ‘yun.
Tumanggi siyang magpa-DNA test dahil sigurado siyang hindi sila magkapatid ni Sen. Grace.
Ikinagagalit ni Sheryl ang isyung diumano’y anak si Sen. Grace ng kanyang mama Rosemarie Sonora sa yumaong presidenteng si Ferdinand Marcos.
Ani Sheryl sa isang interbyu, huwag daw palabasing pumatol sa ibang lalaki ang kanyang mama maliban sa yumao niyang biological father na si Ricky Belmonte.
Suportado
Kung kontra si Sheryl Cruz sa pagkandidato ni Senator Grace Poe bilang president sa 2016 elections, nagpahayag naman ng suporta si Lovi Poe sa kanyang half-sister.
Hindi man nakarating si Lovi noong ipahayag ni Senator Grace na kakandidato siyang presidente, sinasabi ni Lovi sa mga interbyu sa kanya na anytime kailanganin ng kanyang ate Grace ang kanyang suporta, nakahanda siya.
Malaki ang tiwala niya sa kakayahan ng kanyang ate Grace.
May taping si Lovi ng kanyang GMA teleserye, kaya hindi siya nakarating sa announcement ng kanyang ate Grace sa pagtakbo nito bilang presidente.
Nagkita naman sina Lovi at Sen. Grace noong si Senator Chiz Escudero ang nagpahayag ng kandidatura niya bilang running mate ni Sen. Grace.