SIX years na palang single si Sam Milby. Hanggang dating lang daw siya.
Huling nakarelasyon niya si Anne Curtis na happy ngayon sa boyfriend niyang si Erwan Heussaff.
Na-link noon si Sam kina Jessy Mendiola at Shaina Magdayao.
Pero hindi nag-work in progress.
Hindi nag-pursue si Sam.
Kaya naman sa presscon ng “The PreNup” na first movie together nina Sam at Jennylyn Mercado, push to the max ang entertainment press kung may spark ba sila sa isa’t isa?
Lalo pa’t one week silang nag-shoot sa New York.
Sabi ni Sam, naging close sila ni Jen noong nasa New York sila. Masaya raw kausap ang Kapuso actress.
Magaan katrabaho. Type niya ang pagiging sporty ni Jen, ang pagiging outgoing nito.
Sey pa ni Sam, naku-cute-an siya sa mga babaeng nagma-martial arts.
Nagjiu-jitsu si Jen at triathlon buff pa ito.
Ewan kung pang-promo lang o seryoso si Sam nang sabihin niyang noong nakabalik na sila sa Pilipinas ay nami-miss niya si Jen.
Hindi na raw kasi sila nagkikita araw-araw di gaya noong nasa New York sila.
May pahiwatig pa si Sam na ngayong tapos na ang shooting ng pelikula nila ay pwede na.
Ang dating sa press, pwede nang ligawan ni Sam si Jennylyn. ’Yun nga kaya ’yun?
Nawala sa sarili
“Nawala ako sa sarili ko (laughs),” sambit naman ni Jen pagkarinig sa sinabi ni Sam.
“Pwede naman.
Mabait siya.
Walang sabit.
Gentleman.
First time kaming nagkita sa set, komportable agad kami sa isa’t isa.
Magkasundo agad kami.
He’s very professional.
Never nagreklamo.
Exciting to work with.”
Asked kung free din ba siya at walang karelasyon gaya ni Sam, pa-tweetums si Jen.
“Ano ba?
Wala akong karelasyon,” aniya.
“Mamatey (mamatay) ka man?” hirit ng press.
“May anak ako, huh!
Ano ba?
Tama na (laughs).
Takot na akong magmahal.”
Na-stress
Ayon kay Jun Lana na direktor ng “The PreNup,” maraming kissing scenes sina Sam at Jennylyn.
’Yung una’y kinunan sa Central Park, New York.
“Pareho silang matigas.
Halatang hindi sila komportable, kaya paulit-ulit ang take namin.
Iba’t ibang anggulo ’yun,” lahad ni direk.
“Na-stress ako.
Sobrang kaba ko,” sabi ni Jen.
Patawa-tawa lang si Sam. Aniya, nasiyahan siya sa kissing scenes nila.
Romcom (romantic-comedy) ang “The PreNup.
Parehong nagpunta sa New York sina Sam at Jen. Gustong i-pursue ni Sam ang pangarap na maging photographer.
Gusto namang makita ni Jen ang long-lost father niya.
Pero bigo siya at naging knight in shining armor niya si Sam.
Nagka-in-love-an sila hanggang nagkasundong magpakasal.
Nang bumalik sila sa Manila ay nagulo ang kanilang relasyon.
Gusto ng parents ni Sam na magkaroon sila ni Jen ng pre-nuptial agreement.
Tampok din sa “The PreNup” sina Freddie Webb, Melai Cantiveros, Dominic Ochoa, Gardo Versoza, Ella Cruz, atbp.
Produced ng Regal Entertainment, ipapalabas ito sa Oct. 14 sa mga sinehan nationwide.