BUKOD sa pagpuri ng CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) sa AlDub kalyeserye, may naglagay pa ng tarpaulin sa isang simbahan ng magandang mensahe mula sa pinagsamang pangalan nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza).
Ganito ang nakasulat: A: Ang krus ay yakapin; L: Laging manalangin; D: Debosyon ay gawin; U: Ugali ay pagbutihin: B: Biblia ay basahin.
O, di ba, hindi lang ang AlDub kalyeserye ang kinapupulutan ng magagandang aral, pati ang pinagsamang pangalan nina Alden at Yaya Dub ay napag-isipan ng magandang mensahe.
May isang pamilya naman na ang panonood ng kalyeserye ang nagsisilbing bonding moment nila.
Itine-tape nila ang napapanood nila sa tanghali at pinanonood uli sa gabi para sama-sama silang pamilya.
’Yung mga kakilala naming naninirahan abroad, nagpa-suscribe sa GMA Pinoy TV para mapanood lang ang kalyeserye ng “Eat Bulaga.” Anila, pampaalis ng stress.
At heto pa ang magandang balita, gustong mainterbyu ng mga taga-Reader’s Digest at Guinness World Records sina Alden at Yaya Dub.
May tumawag sa GMA Artist Center para maayos ang schedule ng interbyu sa dalawa. Bongga!
Magkasalungat
Magkasalungat ng opinion sina Jennylyn Mercado at Sam Milby tungkol sa pre-nuptial agreement.
’Yun kasi ang tema ng pelikula nilang “The PreNup,” kaya sa presscon ay tinanong sila kung pabor ba sila o hindi sa gano’ng agreement.
Sabi ni Jennylyn, okey lang sa kanya kung gusto ng mapapangasawa niyang may pre-nup agreement.
Hindi siya mao-offend. Hindi niya mamasamain.
Iniisip niyang para maprotektahan na rin ’yung mga pinaghirapan nila. Walang problema sa kanya, ayon kay Jen. Okey rin daw kung ayaw ng guy.
Ayaw naman ni Sam ng pre-nup agreement. Aniya, may negative vibe ’yun.
Aniya pa, pinag-isa kayo bilang mag-asawa at kung anuman meron kayo, dapat ay ibinabahagi sa isa’t isa.
Dagdag pa ni Sam, kung hindi mag-work ang marriage, kapag naghiwalay, iniisip agad ’yung pre-nup agreement.
“But if the girl wants it, pagbibigyan ko siya.
But I’ll try to find other way to win over the parents, the family para may tiwala sila sa akin,” pahayag ni Sam.
Sa “The PreNup,” gusto ng parents ni Sam na magkaroon sila ni Jennylyn ng pre-nuptial agreement.
Asked Sam kung kailan niya gustong magpakasal, aniya gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya kapag 35 years old na siya. He’s 31 now, still searching for Ms. Right.
Showing ang “The PreNup” on Oct. 14.
* * *
Personal: Today at 10 a.m. ang libing ng showbiz writer, dear friend naming si Emy Abuan sa Valenzuela Memorial Park, Valenzuela City.
May you rest in peace. Goodbye, friend. Salamat sa friendship, suporta, kindness at understanding. I’ll truly miss you, friend!