WALA si Alden Richards noong bigyan siya ng parangal ng 4th Catholic Social Media Summit (CSMS) “for being a good youth role model.” Sa bayan pa naman niya sa Sta. Rosa, Laguna ginanap ang event noong Linggo (Oct. 11). Nasa Japan kasi ang Pambansang Bae para sa GMA Pinoy show kasama sina Ai-Ai de las Alas at Aicelle Santos.
By this time, nakabalik na si Alden sa Pilipinas. Si Yaya Dub (Maine Mendoza) ay pinarangalan naman “for being influential in propagating Christian values to the youth.” Dumalo si Maine sa event at pinasalamatan ang mga bumubuo ng CSMS.
Kinabukasan (Oct.12), muli siyang nagpasalamat on “Eat Bulaga” . No show pa rin si Alden dahil pabalik pa lang siya ng Pilipinas.
Pinarangalan din si Wally Bayola (Lola Nidora) “for being instrumental in spreading good values in media.” Personal na tinanggap ni Wally ang parangal at pinasalamatan ang team ng CSMS.
Kinabukasan, gaya ni Maine, muling nagpasalamat si Wally on “Eat Bulaga”. Aniya, para sa lahat ng dabarkads ang parangal sa kanya.
Sa pamamagitan ni Vic Sotto, pinasalamatan niya ang grupo ng CSMS sa mga award na ipinagkaloob kina Maine at Wally, gayun din sa achievement award na ipinagkaloob sa Tape, Inc. “for producing Kalyeserye and giving importance to promoting Christian family values and virtues.”
May achievement award din ang AlDub Nation (AlDub fans) “for spreading #Kalyeserye values on line through inspirational posts and tweets.”
Di affected
Sa kabila ng isyu sa kanila ni Kris Aquino, nananatiling matatag ang loob ni Mayor Herbert Bautista. Hindi siya nagpapaapekto sa mga emote ni Kris sa Instagram account nito. Tuluy-tuloy pa rin ang paglilingkod ni Mayor HB sa kanyang constituents sa Quezon City.
Tuloy pa rin ang kanyang political career at sa mga susunod na buwan, magiging abala na si Mayor HB sa pangangampanya para sa May 2016 elections. Bagaman hindi naman niya kailangang mag-todo effort dahil mukhang sure winner na siya sa kanyang third and last term bilang mayor.
Bagaman no show si Mayor HB noong opening ng 2nd Quezon City Pink International Film Festival (Oct. 6) at closing ceremonies (Oct. 11) na ginanap sa Cinema 1, Gateway Mall, Cubao, QC, nangako siyang muli niyang susuportahan ang QCPIFF next year.
Nagkataon lang kasing may mahalaga siyang appointment kaya hindi siya nakarating sa opening at closing ceremonies.
Business-minded
Bukod sa bagong bahay ni Jennylyn Mercado on Commonwealth Avenue, QC, may nakapagtsika sa aming may binili rin siyang condominium unit in Eastwood, QC. Meron din siyang properties sa Tagaytay Highlands at sa Rio Monte sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna.
May mga negosyo rin ang Kapuso actress. Meron siyang gym, salon and spa in Kamuning, QC. Meron din siyang franchise ng isang coffee shop sa Timog Avenue, near GMA Network Center.
Tsika pa ng source namin, multi-million ang guaranteed contract ni Jen sa Kapuso Network.
Opening day ngayon ng “The PreNup” at mahuhusgahan na kung tanggap ang tambalan nina Jen at Sam Milby. Kikay at “baklang-bakla” ang role niya, ayon kay Jen. Sa trailer pa lang ay may “patikim” na siya.