KUNG ayaw pa ring umamin nina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa totoong estado ng kanilang relasyon, nagpakatotoo naman sina Mike Tan at Bangs Garcia na co-stars nila sa “No Boyfriend Since Birth (NBSB)” noong presscon nito.
Kilig-kiligang sinabi ni Bangs na happy ang kanyang love life. Isang Filipino-Briton from London ang kanyang boyfriend. Lloyd Birchmon ang name at isa itong property developer. Guwapo, bata at mukhang modelo ang guy sa picture nito na ipinost ni Bangs sa kanyang Instagram account.
Aniya, ipina-background check niya ang kanyang BF. Certified bachelor ito at walang anak. Nagkakilala sila sa Boracay last year noong nagbakasyon siya roon kasama ang kanyang kaibigan.
They hit it off well right there and then at sinundan pa siya nito sa Manila. They started going out hanggang nagka-in love-an sila. Wish ni Bangs na “he’s the one” na talaga for her. Naka- base ito sa London at nagwo-work naman ang kanilang long-distance love affair. By next month, magbabakasyon doon si Bangs for two weeks.
Balik-pelikula
Ten years na ang relasyon ni Mike Tan and his non-showbiz girlfriend. Going strong ’yun at ayon kay Mike, once in a while ay napag-uusapan na nila ang kasal.
For now, work muna ang focus ni Mike para makaipon siya. Gusto niyang matiyak na mabibigyan niya ng stable future ang magiging pamilya niya sa tamang panahon.
Starstruck alumnus si Mike at naging girlfriend niya si LJ Reyes na batchmate niya. Nali-link ngayon si LJ kay Paolo Contis na isa ring Kapuso.
Balik-pelikula si Mike sa “No Boyfriend Since Birth.” Last movie niya ay “Mano Po” under Regal Entertainment na nag-prodyus din ng NBSB. Si Joey Reyes ang direktor ng NBSB na first time katrabaho ni Mike. Nag-enjoy siya dahil magaan itong katrabaho at very supportive. Wish niyang magkatrabaho silang muli ni direk Joey.
Huling teleserye naman ni Mike ang “The Rich Man’s Daughter” kung saan gumanap siya bilang gay brother ni Rhian Ramos. Ani Mike, nag-audition siya sa “Destiny Rose.” Si Ken Chan ang napili, pero hindi naman sumama ang loob niya, ayon kay Mike. Deserved daw talaga ni Ken ang transwoman role.
Big event
Ngayong Sabado na ang pinakaaabangang “Tamang Panahon” big event sa Philippine Arena, tampok ang AlDub at ang “Eat Bulaga Dabarkads.” Gates open at 6 a.m. Magsisimula ang pre-programming at 10 a.m. at live show at 11:30 a.m.
May bag inspection at mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod: pagkain, bottled water, soft drinks, alak, babasagin at/o plastic containers, lighter, kandila, paputok, lata, matutulis na bagay gaya ng kutsilyo, ice pick.
Bawal ding magdala ng silya dahil may kanya-kanyang seat numbers ang ticket holders. Bawal ang bakal na sinturon, malalaki at spike bracelet na tusuk-tusok. Bawal din ang mga batang 7 years old and below at mga pregnant women.
Huwag magdala ng malaking bag.
Pagkatapos ng “Tamang Panahon” event, diretso si Alden Richards sa Alabang Town Center para sa isang mall show na may selling ng kanyang “Wish I May” album. Did we hear it right na helicopter ang sasakyan ni Alden para hindi siya ma-traffic papuntang Alabang?