TURNING 18 na si Bea Binene on Nov. 4 this year and one day before her birthday ang kanyang debut party on Nov. 3 sa grand ballroom ng Manila Hotel.
Kung si Bea lang ang nasunod, ayaw niya ng party at mas gusto niyang magpunta sa Japan. Pero aniya, ang kanyang mommy Carina at ang GMA Artist Center ang may gustong magkaroon siya ng debut party. Once in a lifetime experience raw kasi ’yun para sa isang babae.
Around 150 ang guests. Walang traditional cotillion, pero may 18 gifts, 18 roses at 18 treasures. Isang New Yorker ang designer ng gown na isusuot ni Bea.
Invited ba ang ex-boyfriend niyang si Jake Vargas? “I don’t know. Hindi pa kasi ako nagbibigay ng invitations,” said Bea. Aniya, for sure, invited ang mga nakatrabaho niya sa “Tweenhearts” tulad nina Derrick Monasterio, Joyce Ching, Barbie Forteza, Kristoffer Martin na, ani Bea, ay her last dance.
Invited din si Alden Richards, pero hindi siya sure kung makakarating ito, ayon kay Bea. Wish niyang si Alden ang kanyang first dance.
Samantala, napapanood sa GMA News TV every Saturday at 11:30 a.m. ang reality-lifestyle show ni Bea, “Legally B.”
Ipinasilip niya ang mga plano para sa kanyang debut party at ang mga behind-the-scene footage during her photo shoot.
Wala pa rin siyang love life, ayon kay Bea, matapos silang mag-break ni Jake. “Wala ’yun (love life) sa priorities ko. Marami pa akong gustong gawin at patunayan sa sarili ko. Marami pa akong gustong matutunan,” lahad ni Bea.
Hataw rin
Humahataw rin sa product endorsements ang child star na si Alonzo Muhlach. Recently ay ini-launch si Alonzo bilang first celebrity endorser ng Frabelle Aprub ni Bossing Hotdogs. Pang-apat na itong endorsement ni Alonzo.
Ilang dekada na ang naturang brand ng hotdog at first time ng manufacturer kumuha ng celebrity endorser. Na-cute-an ito sa bagets, bukod daw sa talented pa at smart child si Alonzo.
Perfect endorser talaga ito ng Frabelle Aprub ni Bossing Hotdogs. Tatlong klase ito, cheesedog, chickendog at classic . Nagkataong paboritong breakfast ni Alonzo ang hotdog, ayon sa kanyang daddy Niño Muhlach.
Sa launching cum presscon, natanong si Alonzo kung alam ba niya kung saan napupunta ang kanyang talent fee mula sa kanyang product endorsements. “Sa bangko po at sa wallet,” sabi ng bagets.
Ayon naman kay Niño, lahat ng kinikita ni Alonzo (sa TV, movie, endorsements, etc.) ay inilalagay niya sa trust fund. Ganoon ang ginawa ng kanyang daddy Alex sa mga kinita niya (Niño) noong child star pa siya.
Ayon pa kay Niño, kahit nagso-showbiz ang kanyang anak, he sees to it na hindi pinababayaan ni Alonzo ang kanyang pag-aaral. First honor ang five-year-old bagets na nag-aaral sa La Salle Greenhills.
Inaliw pa ni Alonzo ang entertainment press sa kanyang sing-and-dance performance. Super bibo talaga ang anak ni Niño. Aniya’y alalay na lang siya ngayon ni Alonzo. Dating child wonder si Niño na talaga namang namayagpag sa Philippine showbiz. How time flies!