FIRST time namin nakita sa personal si Maine Mendoza (Yaya Dub) sa “Tamang Panahon” event sa Philippine Arena. She’s charming, napaka-pleasing ng personality. May kakaibang magnet na para bang gustung-gusto mo siyang tingnan.
Hindi siya mukhang yaya o katulong, gaya ng sinasabi ng kanyang bashers. Kahit nagpapangiwi-ngiwi ng kanyang mukha sa pagda-dubsmash, classy pa rin ang dating ni Maine. To hell with her bashers! Tanggapin nang panahon ngayon ni Maine. Laganap ang Maine mania nationwide and worldwide.
May nakuha kaming impormasyon na pitong commercials pa ang gagawin ni Maine bago matapos ang 2015. May nagtsika pa sa amin na diumano’y isang owner ng gasoline station ang kumukuha kay Maine para maging endorser nito.
But she begged off dahil meron ding gasoline stations na pag-aari ng kanilang pamilya. Balita namin ay pito ang kanilang gasoline stations sa Bulacan na isa roon ay pinamamahalaan ni Maine.
Matapos ang malaking pasabog ng AlDub at “Eat Bulaga” Dabarkads sa Philippine Arena, tuluy-tuloy pa rin ang pakilig moments ng AlDub kalyeserye sa nasabing noontime show sa GMA7. Inaabangan din ang festival movie na “My Bebe Love” tampok sina Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas, kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza.
Nag-pictorial na ang cast kasama sina Richard at Maine. Nagsimula na rin silang mag-shooting na magkasama sila. Bawal lang sabihin kung saan ang kanilang location shoot para hindi sugurin ng fans.
Mukhang nangangamoy top grosser ang “My Bebe Love” sa 2015 Metro Manila Film Festival. Kung lahat ng nanood ng “Tamang Panahon” event sa Philippine Arena at lahat ng Team Bahay ay susuportahan ang pelikula, isali pa ang mga million tweeters, malamang magiba sa takilya ang “My Bebe Love.”
Bad break-up
Mukhang bad break-up talaga ang nangyari kina Jake Vargas at Bea Binene. Noong birthday presscon ni Bea para sa kanyang 18th birthday, halatang ayaw pag-usapan ni Bea ang kanyang ex-boyfriend. Iwas na iwas siyang sagutin ang mga katanungan tungkol kay Jake.
Hindi raw niya alam kung iimbitahin niya si Jake sa kanyang debut party na gaganapin sa Nov. 3 sa grand ballroom ng Manila Hotel. Hindi pa raw kasi siya namimigay ng invitations na hindi pinaniwalaan ng entertainment writers. Eh, ilang araw na lang at debut party na niya.
Medyo naging emotional naman si Bea nang tanungin kung pupunta ba ang kanyang daddy. Nami-miss niya nga raw ito, pero hindi siya sure kung makakarating ang kanyang daddy. Sa traditional debut party, hindi ba’t ang father ang dapat first dance ng debutante?
Ang boyfriend naman (kung meron) ang last dance. Dahil walang BF si Bea, ang BFF (Best Friend Forever) niyang si Kristoffer Martin ang kanyang last dance.
Ani Bea, si Kristoffer ang pinaka-close sa kanya among her Kapuso male friends. Nagsimula ang friendship nila noong “Tweenhearts” days nila. Si Kristoffer ang napagsasabihan niya ng kanyang secrets at personal issues. Ito rin ang nagkumbinse sa kanya, aside from her mommy and GMA Artist Center, na magkaroon ng debut party.
Matanggap na kaya?
Sa “Destiny Rose,” nagkaharap na sina Lito (Joko Diaz) at Joey (Ken Chan), pero hindi nito alam na anak niya si Joey. Nagkakilala na ang magkapatid na April (Sheena Halili) at Joey.
Panay ang pag-uusap nila tungkol sa magaganda nilang plano. Narinig ’yun ni Lito. Magpakilala na kaya si Joey na siya ang itinakwil na baklang anak ni Lito? Matanggap na kaya siya ng kanyang ama?