HINDI raw pinangarap ng Internet star at komedyanteng si Bekimon, Bern Josep Persia sa totoong buhay, na maabot ang level ng kasikatan ni Vice Ganda.
“I really don’t ask for that. Kasi kita ko yung discomfort ng masyadong famous. Okay na po sa akin yung kahit ganito, nakakalabas-labas pa rin ako kahit saan ko gustong pumunta. Nakakaya ko pa ring mag-jeep, mag-tricycle and all. But at the same time at least considered ako one of the countries celebrities.
May mga privilege din yung ganun. “At least hindi naman yung katulad nila Vice na hindi na makakain pag nasa labas o nasa public. Kasi may mga picture-picture. At saka hindi ko rin po hinahangad yung ganung ka-level na komedyante.
Basta po sa akin may trabaho ako, hindi ako nawawalan ng mga raket at the same time. Yung exposed pa rin ako sa showbiz at sa social media, okay na ako doon,” sabi ni Bekimon.
Taong 2010 nang maging Internet sensation si Bekimon. Kinilala siya bilang Internet star dahil sa million views na nakuha ng kanyang nakatutuwang videos sa YouTube na gumagamit ng gay lingo, na later on ay nakilala bilang beki language.
Nakagawa rin siya ng ilang TV shows sa ABS-CBN kagaya ng teleseryeng “Juanita Banana,” “Umagang Kay Ganda,” “Music Uplate Live,” “Shout Out,” at iba pang guestings sa ibang network.
Noong hindi siya masyadong busy sa showbiz ay pinasok niya ang pagnenegosyo tulad ng pagtatayo ng Internet café at bar.
Ngayon nga ay magiging busy na naman siya lalo na sa social media dahil kinuha siya bilang isa sa in-house talents ng Buzz Productions, a full-range digital production outfit managed by Jed Marcaida and Noel Escondo. Kasama niya bilang talents ang mga komedyanteng sina Chokoleit at Iyah Mina, dating G-Force member Jan Stephen Noval, at commercial talent VJ Mendoza.
Gumagawa sila ng videos na naka-upload sa kanilang “PalaBuzz” channels sa Facebook gaya ng “PalaBuzz Feed” para sa kanilang funny videos; “PalaBuzz Music” para sa music-based content; “PalaBuzz Home” para sa do-it-yourself tips;
“PalaBuzz Shorts” para sa short films produced by independent filmmakers; “PalaBuzz News” para sa current news and events; at “PalaBuzz Food” para sa kanilang food-based content. Check-out www.facebook.com/palabuzzfeed.
(GLEN SIBONGA)