BUWIS-buhay si Solenn Heussaff sa aerial dance niya sa “MariMar.” Nag-aral pa siya ng aerial dancing dahil isang dancer ang role niya. She plays Cappucina na magiging kakampi ni Marimar (Megan Young).
Siya ang tutulong kay Marimar sa mga taong nang-aapi sa dalaga. Ayon kay Solenn, noong mga unang araw ng taping niya’y naiilang siya sa mga kasama niya sa naturang teleserye. Kalaunan ay naging komportable na siya dahil na-feel niyang welcome siya ng mga ito. Very supportive pa sa kanya.
Nagkakalabuan?
Nagkakalabuan nga ba ang relasyon nina Lovi Poe at Rocco Nacino? May pakiyeme si Lovi na ayaw niyang pag-usapan si Rocco. Nanibago ang mga nakausap niyang press sa pakiyeme ni Lovi.
Dati kasi, kapag lovelife niya ang pinag-uusapan, game na game si Lovi pag-usapan si Rocco. Isinama pa siya ng binata sa Japan noong nakipag-compete si Rocco sa isang jiu jitzu competition.
May balita pang magbabakasyon si Lovi sa Europe kasama ang kanyang mommy at isang tita. Birthday treat daw niya ’yun sa kanyang mommy. Hindi kasama si Rocco.
Wala pang pahayag ang Kapuso actor sa latest pakiyeme na ito ni Lovi. “Sila” pa rin kaya o wala na?
Getting there
Nice to hear na getting there na sina Kim Chiu at Maja Salvador. Meaning, unti-unti nang bumabalik ang kanilang friendship. Unti-unti nang nabubuo na nasira nilang relasyon dahil kay Gerald Anderson.
Una nang nagpahayag si Maja sa isang presscon niya tungkol sa bumabalik na friendship nila ni Kim. Sinang-ayunan ito ni Kim sa isang presscon naman niya kamakailan. Nagpahayag pa siya na susuportahan niya si Maja sa gaganaping concert nito. Bibili raw siya ng ticket kapag bebentahan siya ni Maja.
Mas maganda kung manonood din si Kim ng concert ni Maja. Huwag na sanang maulit na dahil lang sa isang lalaki ay magkasira na naman sina Kim at Maja. Nali-link ngayon si Maja kay Sam Milby. Textmates sila. Si Kim naman, ayaw pa ring umamin sa totoong estado ng relasyon nila ni Xian Lim. Aniya, basta masaya lang sila sa company ng isa’t isa.
Si Gerald naman, single ang kanyang press release. Pahinga muna ang puso niya sa tawag ng pag-ibig.
Wagi
Congratulations kay direk Louie Ignacio na wagi bilang Best Director (Global) sa Manhattan International Film Festival sa New York para sa indie film na “Asintado.” First indie film niya ito at first best director global award for movie. “God is so good! Speechless ako sa stage when I received the award. Overwhelming ang feeling,” he said.
Nanalo namang best actress si Aiko Melendez sa naturang movie, samantalang pinagkalooban naman si Jake Vargas ng Best Rising Star Award.
May international recognitions din ang “Asintado.” Gold Remi Award (Best Picture) for Children’s Category sa 48th World Festival Houston, Texas International Filmfest, Official Selection for International Filmmaker Festival of World Cinema in London, Official Selection for Cairo International Filmfest, Official Selection for 2015 Harlem International Filmfest, Official Selection for Queens International Filmfest, Official Selection for Cleveland International Filmfest. (ROWENA AGILADA)