Natutuwa ang Kapuso actor na si Mikael Daez tuwing nakakabasa siya ng mga hate tweets dahil sa ginagampanan niyang role sa primetime teleserye na My Faithful Husband.
Ginagampanan ni Mikael ang papel na Dean na siyang unang boyfriend at ama ng panganay na anak ni Mel played by Jennylyn Mercado.
“I welcome all feedbacks. Positive or negative. Hindi ko naman pinapansin kung masama o hindi.
“Maganda ‘yung may nagre-react. Ibig sabihin no’n ay apektado sila sa performance ko.
“Kasi, ‘yong pinakamasama mong pwedeng gawin as a performer is to perform, pero no reaction kang makuha from, anybody, di ba?
“So, the fact na nagre-react sila, sobrang tuwang-tuwa kami and talagang nararamdaman namin ‘yon dito sa set.”
Ilang weeks na lang daw tatagal ang series and happy si Mikael that he became part of the series.
“Patapos na kami, ilang taping days na lang kami, pero I feel so happy to have been part of this.
“Naging malaking bagay para sa career ko ang pagkakasama ko sa teleserye na ito. It’s been a big thing for me.
“Lagi ko ngang sinasabi na gusto kong mag-improve every project.
“Kasi wala na akong ibang maipapakita just to show, okay, I’ve done my work.
“Gusto kong maipakita na this is more than what I’ve done before.
“So, dito, natutuwa ako dahil ang dami kong natutunan mula kay Direk Joyce Bernal, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at sa lahat ng staff.
“Dahil dito, feeling ko, marami pa akong ibubuga.”
Walang problema sa aktor kung ang susunod niyang project ay kontrabida ulit siya.
“I always say, we’ll never know naman.
“I’m open to any kind of roles naman.
“It’s a team decision. Me, manager ko, and people close to me.
“Kung okay lang naman ang material, sige gawin natin.” (RUEL J. MENDOZA)