Matatawag na isang Platinum artist ang Pambansang Bae Alden Richards dahil sa outstanding sales ng kanyang dalawang music albums ngayong taon.
Parehong bumenta ng higit sa 15,000 units ang albums ni Alden na “Alden Richards” under Universal Records at “Wish I May” under GMA Records.
Ang naunang self-titled music album ni Alden ay na-release noong 2013 pa, pero this year lang siya nag-pick-up dahil sa pamosong AlDub loveteam nila Alden at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa kalyeserye ng “Eat Bulaga.”
Ni-repackage ang album at kaagad itong nakakuha ng Gold Record noong nakaraang buwan at kelan lang ay umabot ito sa Platinum status.
Ang second music album ni Alden na “Wish I May” ay nakuha agad ang Gold Record kahit na hindi pa ito officially nire-release sa mga music stores dahil sa outstanding digital sales nito.
Three days after ma-release ang album noong October 17, umabot na ito agad sa Platinum status.
Last November 2, ginawad kay Alden ng PARI officials ang Platinum Record Award sa programang “Eat Bulaga.”
Sa kanyang Instagram account, ito ang pinost ni Alden:
“God is good!!! Maraming sa-lamat po sa lahat!!! God bless you all!!!”
Labis ang pasasalamat ni Alden sa fans nila ni Yaya Dub na AlDub Nation.
Kung hindi raw dahil sa suporta ng fans, hindi raw niya matatanggap ang mga awards.
“Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik sa aking first album under GMA Records most especially to Aldub Nation and Aldenatics. To God be the glory!”
Si Alden na siguro ang pinaka-talked about male celebrity ngayon on social media, gayun din ang kanyang ka-loveteam na si Yaya Dub.
Na-feature na sila sa mga international and online news agencies na CNN, BBC at Bloomberg dahil sa kanilang phenomenal rise to stardom. (RUEL J. MENDOZA)