UY! Nagso-shorts na si Maine Mendoza (Yaya Dub). Nagiging daring na at unti-unti na siyang nag-e-expose ng skin.
In fairness, flawless naman si Maine. May K (karapatan) at carry niyang mag-shorts. Kaya lang, bakit NR (No Reaction) si Alden Richards? Deadma lang siya nang sabihan siya ni Joey de Leon na punahin niya ang shorts ni Maine.
Madalas na rin siyang pagsalitain. Pinag-iinterbyu pa siya ng mga taong nabubunot ang pangalan para sa isang segment ng “Juan for All, All for Juan” sa “Eat Bulaga.” Mukhang tine-train na si Maine para mag-host. Hindi kaya eventually ay nasa Broadway Centrum studio na siya at magho-host na rin sa “Eat Bulaga” kasama si Alden?
Lungkut-lungkutan si Maine noong na-hack ang kanyang social media account (SMA). Agad namang nag-sorry ang gumamit ng kanyang SMA na ang katwiran ay gusto lang nilang magparating ng kanilang mensahe sa kinauukulan dahil alam nilang maraming followers si Maine. Meron siyang 2.4 million followers sa kanyang Twitter account.
Super blessed
Panibagong blessing ang dumating kay Alden Richards. Kamakailan ay ginawaran siya ng Certified Platinum Award para sa “Wish I May” album niya under GMA Records. More than 15,000 units nito ang nabenta worldwide.
Sa isang mall sa kanto ng Quezon at Roosevelt avenues, nakita namin ang nakapaskel sa isang record outlet na Number 1 ang album ni Richard. Walang makapigil sa sunud-sunod na blesssings na dumarating sa Pambansang Bae. Muling pinasalamatan ng Kapuso actor ang Aldenatics, AlDub Nation at lahat ng bumili ng kanyang album.
Sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya, naniniwala si Alden na patuloy siyang ginagabayan ng yumao niyang mommy. Ayon kay Alden, every night bago siya matulog at every morning pagkagising niya ay ipinagdarasal niya ito para gabayan siya.
Nitong nakaraang All Saints’ Day, nasa bahay lang si Alden at ipinagdasal ang kanyang mommy By the way, may fans day si Alden tomorrow sa Robinson’s Place Iloilo at 5 p.m. Sugod na, mga Kapuso.
Kabog!
Life begins at 40. Akalain bang makakapag-asawa pa si Mahal sa edad niyang kuwarenta? And take note, isang 25-year-old guy named Jobbie Herbio ang nagpakasal sa halos tatlong pulgadang laki (o liit ba?) na si Mahal.
Kabog niya ang ibang babaeng may normal height at ganda-gandahan. Inggit-inggitan sila kay Mahal na feeling tangkad-tangkaran at hanggang talampakan ang haba ng hair.
Bata, may normal height at may itsura ang mister ni Mahal na balita namin ay isang OFW at may isang anak. Sa isang TV interview, sinabi ng guy na hindi isyu ang height ni Mahal. Mahal na mahal niya ito dahil maalaga, maasikaso sa kanilang mag-ama.
Love is blind. Love conquers all. All is fair in love para kina Mahal at Jobbie. Maging forever kaya sila?
Tanong lang, bakit kaya itinaon nina Mahal at Jobbie ang kanilang kasal sa All Souls’ Day (Araw ng mga Kaluluwa) noong Nov. 2?