HINDI binigo ni Alden Richards si Bea Binene at sinorpresa niya ito sa debut party nito na ginanap sa grand ballroom ng Manila Hotel last Nov. 3. Siya ang last dance ni Bea at hindi si Kristoffer Martin na unang plano ng debutante.
Sa kabila ng kanyang hectic schedule, Alden took time out para makadalo sa 18th birthday celebration ni Bea. Kasama siya sa 18 roses. Long-time friends ang dalawa at nagsimula ang kanilang friendship noong nagkasama sila sa defunct youth-oriented show, “Tweenhearts.”
Hindi naman inasahan ni Bea na makakarating si Alden sa kanyang debut party dahil alam niyang sobrang hectic ng schedule ng Pambansang Bae. Aniya, maiintindihan niya kung hindi ito nakarating.
Sa sorpresang pagdating ni Alden, pinatunayan ng Kapuso actor na tunay siyang kaibigan ni Bea. If there’s a will, there’s a way. Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan. ’Yun lang ’yun!
Nag-effort ding magpunta ang ex-boyfriend ni Bea na si Jake Vargas. Pero hindi siya nagtagal dahil may taping pa siya ng isa niyang TV show sa GMA7. Sumaglit lang si Jake sa debut party ni Bea at pagkatapos ay dumiretso na siya sa taping.
Nadebelop?
How true kaya ang tsikang diumano’y tuluyan nang nahulog ang loob ng isang aktres sa isang kasama nito sa TV show? Nag-umpisa sa tuksuhan ang pa-effect ng dalawa para sa kanilang TV show.
Kapag pina-panood namin ang pakilig at pa-sweet effect nila on camera, iisiping may “something” talaga between them. ’Kaaliw silang panoorin. Halatang-halata ang kilig ng aktres sa aktor.
Sa katutukso sa kanilang dalawa, diumano’y nadebelop ang special feelings ng aktres sa aktor. Kaya lang, mukhang wa epek ’yun sa aktor.
Ang latest diumano’y gusto ng aktres na tsugiin na ang kanilang show kahit nagre-rate ito. May tsika pang diumano’y sa taping ng kanilang show ay nagdedeadmahan ang aktor at ang aktres off-camera. How true?
And more
Sa mga hindi nakapanood ng first major solo concert ni Glaiza de Castro, ang “ Dreams Never End” last October sa Music Museum, ipapalabas ito this Sunday (Nov. 8) sa GMA’s SNBO. Guests sina Rhian Ramos, Regine Velasquez, Jay-R, Kitchie Nadal, Cookie Chua, Gabby Eigenmann. Directed by Rico Gutierrez.
Inaabangan na ang transformation ni Ken Chan bilang transwoman sa “Destiny Rose.” Excited na ang kanyang fans and supporters. Handang-handa na si Ken. Aniya’y overwhelmed siya sa magagandang feedback sa kanyang first-ever lead role na ibinigay ng GMA7.
Kaabang-abang din ang transformation ni Megan Young sa “MariMar” bilang Bella Aldama. Ani Megan, excited na siya sa pagbabago ng kanyang karakter na palaban na. Handa na siyang maghiganti sa mga taong nang-api sa kanya.
Tutulungan siya ni Brenda Aldama (Ina Raymundo), her stepmom na pinag-aral pa siya sa France. Sa pagbalik ni Marimar sa Pilipinas, ipakikilala siya bilang Bella Aldama.
By the way, si Ina Raymundo ang cover girl sa November issue ng isang men’s magazine. She’s turning 40 years old this December at sexy pa rin kahit lima na ang kanyang anak sa foreigner husband niyang si Brian Portunak.