PINABILIB ni Nar Cabico ang APEC delegates sa ipinamalas niyang galing sa pagkanta sa isang event kaugnay ng nakaraang APEC Summit 2015. Umani ng papuri si Nar sa kanyang performance sa harap ng world leaders na gitara lang ang accompaniment.
Si Nar ang gumaganap na kaibigan ni Lovi Poe sa “Beautiful Strangers” kung saan agaw-pansin siya sa mga eksena nila together.
Excited
Anak ni Gabby Concepcion ang role ni Joyce Ching sa bago niyang primetime series sa GMA7, ang “Because of You.”
First time niyang katrabaho ang actor at ani Joyce, happy at excited siya dahil very down to earth si Gabby. Magaang katrabaho at funny person ito.
Sobrang thankful si Joyce sa Kapuso Network na isinama siya sa cast ng BOY dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ang hinahangaan at nirerespeto niyang actor. Kahit daw may edad na si Gabby, young-looking pa rin ito at young at heart pa.
Looking forward si Joyce sa taping days nila sa BOY dahil he makes her feel comfortable sa mga eksena nila together.
Hindi raw ipinaparamdam ng actor na intimidating ito, bagkus ay pinapa-relaks siya at gina-guide siya sa mga gagawin nila.
“I’m sure, marami akong matututunan from him, acting-wise. He’s very supportive, very giving sa mga eksena namin,” saad ni Joyce.
Ngayong Nov. 30 mapapanood ang BOY, tampok sina Carla Abellana, Rafael Rosell, Kuh Ledesma, Iya Villania, Valerie Concepcion, Bettina Carlos, Enzo Pineda, Rey “PJ” Abellana, Celia Rodriguez, atbp. Mula sa direksiyon ni Mark Reyes.
10 years na
How time flies! Ten years na pala ang Walk of Fame Philippines ni German Moreno. Sa Dec. 1 ang anniversary nito sa Eastwood City kung saan dalawampung pangalan ng celebrities ang idadagdag ni Kuya Germs, kabilang ditto ang AlDub tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) at si Buboy Villar.
Gaganapin ang event at 5 p.m. at inaasahan ni Kuya Germs na dadalo ang mga celebrity na ilalagay ang pangalan sa Walk of Fame Philippines.
Enjoy
Nag-e-enjoy si Benjamin Alves sa paggawa ng indie films matapos ang “Gayuma” na una niyang ginawa. Dalawang indie films ang ginagawa ngayon ng Kapuso actor at aniya, pursigido siyang palawakin ang saklaw ng kakayahan niya bilang isang actor.
Kakaiba raw kasi ang konsepto ng indie films at kailangan niyang subukan ang iba’t ibang klase ng role. Kakaibang fulfillment daw ang nararamdaman niya kapag gumagawa siya ng indie films, ayon kay Benjamin.