HOW true kaya ang tsikang diumano’y nagkakalabuan ang relasyon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?
Ayon sa isang source, may reklamo diumano si Matteo sa relasyon nila ni Sarah. Kesyo, wala raw silang quality time ni Sarah. Diumano’y kapag may date sila, kadalasan daw ay nauudlot. Sobrang busy raw kasi ni Sarah sa rami ng commitments nito, idagdag pa ang sobrang pagmamahal nito sa pamilya.
Hindi raw masolo ni Matteo si Sarah dahil kung lumalabas sila, may kasama itong tsaperon. Naturingan daw na may girlfriend si Matteo, pero parang wala naman dahil halos walang oras si Sarah para sa kanilang relasyon.
May nagsabing baka mawala pa sa kanya si Matteo kung hindi niya mababalanse ang oras niya sa kanyang career, pamilya at kay Matteo. Baka raw makakita ng ibang girl si Matteo na handing maglaan ng sapat na panahon para sa kanya.
Ang dami kayang nag-iilusyon kay Matteo na bukod sa guwapo, mabait, may pinag-aralan ay rich pa ang pamilya. Good catch ang boyfriend ni Sarah G. kung pakakawalan pa niya si Matteo.
Isyu
Barely five months pa lang si Maine Mendoza (Yaya Dub) sa showbiz ay isinama na agad siya ni German Moreno sa Walk of Fame Philippines. Ten years na ang WOFP at gaganapin ang event sa Dec. 1 sa Eastwood City.
Isyu sa ibang matatagal nang artista ang pagsama ng pangalan ni Maine sa dalawampung celebrities na pararangalan.
Bitter-bitteran ang mga gusting mailagay ang pangalan nila sa WOFP. Bakit daw nauna pa sa kanila si Maine?
Si Kuya Germs ang namimili kung kani-kaninong pangalang ang ilalagay sa WOFP dahil sarili niyang project ito. Ideya niya ito at sariling pera niya ang kanyang ginagastos sa pagpapalagay ng pangalan ng mga celebrity na sapalagay niya’y may karapatan.
Alam ng Master Showman na marami ang nagtatampo sa kanya at may mga kumukulit pa sa kanyang ilagay ang kanilang pangalan sa WOFP. Pero aniya, maghintay sila sa tamang panahon.
Ilan sa mga kasama this year ni Maine sa WOFP ay sina Alden Richards, Buboy Villar, Camille Prats, Eula Valdes, Enrique Gil, Alice Dixson, Julie Anne San Jose, Wally Bayola, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Rocco Nacino at Randy Santiago.
Big challenge
Big challenge kay Andi Eigenmann na siya ang gumanap sa title role sa remake ng “Angela Markado.” Personal choice siya ni direk Carlo Caparas na nagsabing sa dinami-rami ng ipinakitang pictures sa kanya ng mga kinunsider na aktres, bukod tanging si Andi ang nagustuhan niya.
Perfect daw si Andi for the role na ginampanan noon ni Hilda Koronel sa original version ng “Angela Markado.”
Matagumpay na naitawid ni Hilda ang karakter niya na isang rape victim. Lima ang kanyang rapists.
Aware si Andi na ikukumpara siya kay Hilda, kaya naman aniya, she did her best. More than satisfied naman si direk Carlo sa performance ni Andi. Aniya’y hindi siya nagkamali sa kanyang choice.