SA Dec. 5, 2015 gaganapin ang 2nd QC LGBT Pride March sa Tomas Morato, QC. Suportado ito ng QC government sa pamumuno ni Mayor Herbert Bautista sa ilalim ng QC Pride Council in partnership with Moovz, largest LGBT social network platform and Jungle Party Circuit. This year’s theme ay “Magkakaiba at Nagkakaisa” at ang chairman ng Pride March ay si EJ Ulanday.
“Excited kami sa aming partnership at magtutulungan kami para ma-recognize at irespeto ang mga karapatan ng LGBT,” saad ni Ulanday. Inaasahang dadalo sa event ang iba’t ibang grupo ng LGBT nationwide. Nag-imbita sila ng ilang celebrities at isa sa mga nagpahayag ng suporta ay si Aiza Seguerra. Suportado rin ni Boy Abunda ang LGBT event.
What about Vice Ganda, Charice Pempengco, and BB Gandanghari?
Magkakaroon ng parada, LGBT fashion show at magbibigay ng awards tulad ng Unkabogable (Best) Float, Most Number of Contingents at special awards. Then, ang pinakahihintay na jungle party follows.
Si Dindi (isang transwoman) ang spokesperson ng transsexual community at aniya, gusto sana nilang bigyan ng awards ang ilang gay celebrities, kaya lang daw, baka tanggihan sila dahil ayaw pang mag-out ang mga ito. Sino-sino nga ba ang mga ’yun? Tumanggi si Dindi pangalanan, kaya blind item na lang muna hanggang hindi sila nag-a-out. Wait na lang tayo sa tamang panahon.
Disappointed
Sa presscon ng LGBT Pride March, nabanggit ni Dindi na about 2.5 million ang population ng LGBT community at kaya nilang magpanalo ng political candidates. For now, wala pa silang napipili kung sino (o sinu-sino) ang susuportahan nila. Kung magkakaisa ang LGBT community, mukhang malabong makakuha ng boto sina presidentiables Mar Roxas at Grace Poe at senatoriables Tito Sotto at Alma Moreno.
Ayon sa isang organizer ng LGBT Pride March, disappointed sila sa pakikipag-meeting nila kay Korina Sanchez, misis ni Mar Roxas. Nang tanungin daw nila ito kung ano’ng plataporma ng mister nito para sa LGBT community, wala pa raw malinaw na plataporma ang mister niya, sagot daw ni Korina.
Nang humingi naman daw sila ng dialogue with Senator Grace Poe para sa isinusulong nilang Anti-Discrimination Bill, isang beses lang daw sila hinarap nito. Nagulat na lang daw sila nang magpalabas ng press release na isinantabi muna ng office ni Sen. Grace ang LGBT provision. Hindi na raw sila muling hinarap ng presidentiable, kaya nasaktan sila dahil inakala at inasahan pa naman nilang matutulungan sila nito sa ipinaglalaban nilang karapatan ng LGBT.
Si Senator Tito Sotto naman, bagaman may “Super Reyna” contest ang “Eat Bulaga,” halata nilang anti-LGBT ito. Dahil naman sa sinabi ni Alma Moreno na hindi siya pabor sa same sex marriage, “Alam n’yo na ang sagot,” saad ni Dindi.
In any case, welcome naman makilahok ang mga pulitiko sa gaganaping 2nd QC Pride March, ani Dindi. Pero hindi sila nag-imbita para hindi mabigyan ng kulay ang kanilang event.
Friends
Si Bret Jackson ang boyfriend ni Andi Eigenmann sa “Angela Markado.” Common knowledge na nagkaroon sila ng brief romance in real life. Pero ani Andi sa presscon, walang awkwardness sa pagtatrabaho nila ni Bret. Friends pa rin sila. Naghiwalay sila nang maayos na sinang-ayunan naman ni Bret.
Anyway, physically draining ang rape scenes niya sa “Angela Markado,” ani Andi. Sobrang brutal na inabot ng ilang araw ang kanyang ordeal. Gumanap na rapists niya sina Epi Quizon, Polo Ravales, Paolo Contis, Felix Rocco at CJ Caparas.
“Off-camera, sobrang inalagaan naman nila ako,” ani Andi. Hindi niya napanood ang original version ng “Angela Markado” na pinagbidahan ni Hilda Koronel.
“May pressure. Kinakabahan ako. Ayokong i-compare ako kay Hilda. I’m afraid na masira ko ang ginawa niya. But we’re different naman. Magkaiba kami ng direktor. Si Lino Brocka sa kanya, si direk Carlo Caparas naman sa akin, kaya magkaiba ng pag-atake,” wika ni Andi.