LITTLE Marian si Maria Letizia, first baby nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Tama ang sinasabi ng close friends ng mag-asawa na mga unang nakakita kay Baby Zia na mukha itong munting anghel.
Super beautiful baby, napakaamo ng mukha na hindi nakakasawang tingnan ang mga lumabas na pictures ni Baby Maria Letizia.
Ano kaya naman ang daddy Dingdong ni Baby Zia, walang kapaguran sa pagkuha ng pictures ng kanyang little princess.
May pruweba na ang magandang kumbinasyon nina Dingdong at Marian, kaya tama lang ang sinabi ni Marian na gusto niyang bigyan ng maraming anak si Dingdong. Anak pa more!
By the way, mapapanood ngayong Linggo sa SNBO (Sunday Night Box Office) sa GMA ang dokumentaryong “2nd Degrees,” hosted by Dingdong with Jiggy Manicad. Tungkol ito sa climate change na advocacy ni Dingdong nang magkaroon ng awareness ang lahat.
Kabog!
Pinagpabulaan mismo ng re-electionist na si Senator Tito Sotto na may ini-endorsong political candidates ang AlDub tandem. Aniya sa “Eat Bulaga,” walang katotohanan ang lumalabas sa social media na may sinusuportahan sina Alden Richards at Maine Mendoza.
“Ayaw nila. Kung may lumalabas na fan signs, in-edit lang ’yun,” ani Senator Tito.
Congratulations nga pala kay Alden na nanalong Best Drama Actor sa 29th PMPC Star Awards for TV para sa “Ilustrado.”
Ginawaran din siya ng German Moreno Power Tandem Award along with Maine Mendoza na no show sa Awards Night.
Balitang dinumog at pinagkaguluhan si Alden nang dumating siya sa Kia Theater kung saan ginanap ang Awards Night.
Hindi naawat ang fans sa paglapit kay Alden na talagang kinabog niya ang ibang artistang naroon. Kumbaga, si Alden ang Star of the Night.
Ayon pa sa tsikang nasagap namin, sina Enrique Gil at Liza Soberano na ginawaran din ng German Moreno Power Tandem Award ay namangha sa pagkakagulo ng fans kay Alden.
Si Maja Salvador na nanalong Best Drama Actress para sa “Bridges of Love,” diumano’y natakot tumabi kay Alden. Baka raw kasi ma-bash siya ng AlDub Nation.
Flop
Sad naman kami sa box-office results ng isang pelikula. Tinawagan ng isang talent manager ang kapuwa talent manager niya at kinumusta ang kita (kinikita) sa takilya ng pelikula. Ang dami pa namang sinehan ang pinaglalabasan nito.
Akala siguro ng prodyuser o ng mga taong involved sa naturang pelikula’y tatabo ito sa takilya.
Eh, mukhang wala pa sa kalahati ng production budget ang maibabalik sa prodyuser. “Wala naman kasing box-office appeal si… (lead actress ng pelikula ),” pagtataray ng talent manager.
Sad kami para sa direktor ng pelikula dahil comeback directorial job niya ito. Mukhang wala na ang kanyang magic touch. Marami pa naman siyang naka-line up na movie projects na gagawin next year. Ituloy pa kaya niya ang mga ’yun?
Try pa more!