SA kabila ng manaka-nakang pag-ulan, matagumpay na nairaos ang 2nd LGBT Pride March nitong nakaraang Sabado (Dec. 5) sa Tomas Morato, QC. Laking pasasalamat ni EJ Ulanday, chairman ng Pride March, sampu ng kanyang mga kasamahan sa lahat ng sumuporta sa ginanap na event.
Hindi nakarating si QC Mayor Herbert Bautista sa Awards Night dahil sobrang busy ang schedule nito, ayon kay Councilor Mayen Juico na kabalikat ni Mayor Herbert sa pagtataguyod ng LGBT Pride March pati si Vice Mayor Joy Belmonte na hindi rin nakarating dahil busy rin ito.
Anyway, isang magandang balita ang ipinahayag ni Councilor Mayen nang gabing ’yun. Aniya, napirmahan na ni Mayor Herbert ang Gender Fair Ordinance na siya (Mayen) ang author. Layunin nitong mabigyan ng pantay-pantay na karapatan ang LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) group at ang mga ordinaryong mamamayan ng QC. Implementation na lang ang kailangan, ayon kay Councilor Mayen.
Bukod sa iba’t ibang awards na ipinamigay, binigyan din ng tribute ang pinaslang na transgender na si Jennifer Laude. Anang isang tagapagsalita para sa LGBT group, bagaman nabigyan ng hustisya ang pagpaslang kay Jennifer ng US soldier na si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, hindi pa rin lubos ang kanilang kasiyahan.
Sa pagkaalam nila’y nasa isang detention cell sa Camp Aguinaldo, QC si Pemberton. Sana raw ay ikulong ito sa dapat kalagyan nito at sana raw ay walang special treatment kay Pemberton. Nahatulan itong guilty sa pagpatay kay Jennifer Laude.
Anyway, todo saya ang mga nanood sa LGBT Pride March Awards Night. Bukod sa kantahan at sayawan, rumampa sa isang fashion show ang mga belong sa LGBT. Patalbugan ang mga bading sa kanilang outfits, samantalang naka-short-shorts at sleeveless t-shirts ang mga tomboy. Nag-enjoy rin sila sa jungle party.
Di pa rin nagkakausap
Bakit kaya biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Sheryl Cruz? Kung noon ay hayagan ang pagkontra niya sa pagtakbo ni Senator Grace Poe bilang presidente, ngayon naman ay hinihiling niyang huwag ma-disqualify ang kanyang “pinsan.”
Sa isang interbyu kay Sheryl aniya, malungkot siya ngayong Pasko dahil hindi na gaya ng dati na magkakasama sila ng kanyang aunt Susan Roces. Hindi pa sila nagkakausap na mag-tiyahin simula nang magpahayag siya (Sheryl) ng pagkontra sa pagtakbo ni Senator Grace bilang presidente.
Eh, bakit kasi hindi mag-effort si Sheryl na kausapin ang kanyang Auntie Susan at si Senator Grace? Ang Kapaskuhan ay panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan, pag-uunawaan at pagpapatawaran. Ito ang tamang panahon at siguro naman, hindi bato ang mga pusong kanyang Auntie Susan at pinsan para hindi siya unawain at patawarin.
Pantapat sa AlDub?
Presscon today ng “All You Need is Pag-ibig” kung saan tampok sina Kim Chiu at Xian Lim. Pinangungunahan ito nina Kris Aquino, Derek Ramsay at Bimby Aquino, kasama sina Jodi Santamaria at Pokwang.
Directed by Antoinette Jadaone, official entry ito ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival. Ang love team nina Kim at Xian ang pantapat sa AlDub tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza na kasama sa “My Bebe Love (Pakilig Pa More),” entry rin sa MMFF topbilled by Vic Sotto and Ai-Ai delas Alas.
May bago kayang aaminin sina Kim at Xian tungkol sa estado ng kanilang relasyon? O, maririnig na naman naming ang mga linya nilang “Basta masaya kami kung anumang meron kami ngayon.”
May cameo role naman si Derek sa “Walang Forever” nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado. Entry rin ito sa MMFF.
Last year ay sina Derek at Jennylyn ang magkatambal sa “English Only, Please.” Nag-post pa si Derek sa kanyang Instagram account ng photo nila ni Jen at ilang production staff. Na-miss na raw niya ang mga ito.
Presscon din today ng “Walang Forever” at matatanong sina Jericho at Jen tungkol sa kanilang working relationship.
Huwag na silang i-link sa isa’t isa dahil both are “taken” na. Happily married si Jericho kay Kim Jones, samantalang may Dennis Trillo si Jen, bagaman wala pa silang official na pag-amin na nagkabalikan sila. Magkasama nga silang nagbakasyon sa Amsterdam kamakailan.
Aminin kaya ito ni Jen sa presscon ng “Walang Forever”? O, magmaang-maangan pa siya?