GRADED A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at Rated PG-13 ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “Honor Thy Father,” entry ng Reality Entertainment sa 2015 Metro Manila Film Festival. Topbilled ito by John Lloyd Cruz na co-producer din.
First MMFF movie ito ng Kapamilya actor at aniya, excited siyang mag-join sa Parade of Stars on Dec. 23. “This is a brand new experience for me. Dream project na ganitong pelikula ang gusto kong maging MMFF entry,” pahayag ni JLC sa presscon.
Marami ang nag-i-speculate na magiging Best Actor si JLC, pero aniya, mas interesado siya sa magiging pagtanggap ng moviegoers at sa magiging resulta nito sa takilya.
Ayon kay direk Erik Matti, kakaibang John Lloyd ang mapapanood sa “Honor Thy Father.” “Sobrang dami ng ginawa niya.
He wanted to push kung ano’ng magagawa niya sa kanyang karakter. He exceeded my expectations and I’m more than satisfied sa kanyang performance,” saad ni direk Erik.
Nagpakalbo pa si JLC dahil aniya, kailangan sa istorya. Sa ipinakitang trailer ng HTF, siya mismo ang nag-shave ng kanyang buhok sa ulo. Ginawa niya ’yun dahil sa pagmamahal sa kanyang anak (Krystal Brimmer) na nakalbo dahil nagkasakit ito. Pangit na pangit sa kanyang itsura ang bata at bilang pagdamay sa anak, kinalbo ni JLC ang kanyang ulo.
Si Meryll Soriano ang gumaganap na asawa ni JLC. Tampok din sina William Martinez, Yayo Aguila, Dan Fernandez, Khalil Ramos, Boom Labrusca. Kuwento tungkol sa networking scam ang HTF.
Mga pasabog
Sa Christmas party ng TV5 para sa entertainment press, nagpasalamat si Mr. Vic del Rosario at hiningi ang suporta ng mga manunulat sa mga bagong shows ng Kapatid (Happy) Network sa 2016. Si Mr. Del Rosario ang bagong namumuno sa entertainment department in collaboration with Atty. Bebong Muñoz, head ng Talent Center ng TV5.
Ipinahayag ni Atty. Bebong na sampung bagong shows ang ilo-launch sa first quarter ng 2016. Kabilang rito ang remake ng “Panday” na pagbibidahan ni Richard Gutierrez, “Tasya Fantasya,” “Bakit Manipis ang Ulap” na tatampukan nina Claudine Barretto at Diether Ocampo, “Love Counters,” “Hi-5,” “Kagat ng Dilim (horror anthology), “Born to Be a Star,” na si Ogie Alcasid ang host at judges sina Aiza Seguerra, Rico Blanco at Mark Bautista.
Ipinahayag din ni Atty. Bebong na dalawang top female stars ang lilipat sa TV5. Isang mestiza at isang morena. Para sa isang bagong soap opera na gagawin ng TV5, naghahanap sila ng hacienda at chopper na gagamitin. Isang multi-media star ang ilo-launch sa soap opera.
Kabugan!
Sa tatlong rival networks, naunang nagpa-Christmas party for the press ang GMA 7 kung saan ipinahayag naman ni Atty. Felipe Gozon (president at CEO) na malaki ang kinita ng Kapuso Network ngayong 2015.
Patuloy rin daw sa pamamayagpag sa ratings ang mga programa ng Siete. May mga nakahanda na ring mga bagong shows sa 2016.
As always, hindi nagpakabog ang ABS-CBN sa Christmas party for the press. Kung may pa-raffle at loot bags na ipinamigay ang TV5 at GMA7, meron din ang Kapamilya Network. Meron pang sariling Christmas party for the press ang Star Magic, talent center ng ABS-CBN na nagpa-raffle rin at namigay ng loot bags.
Ang aming pasasalamat na naging bahagi kami ng mga kaganapan sa mga dinaluhan naming Christmas parties for the press. Salamat din sa iba pang nakaalala (at makakaalala pa, joke!) ngayong Kapaskuhan. Merry Christmas to everybody! Smile! Happy lang!!!