SA El Nido, Palawan nag-Pasko si Katrina Halili kasama ang anak niyang si Katie. Sa house naman niya sa New Manila, QC magba-Bagong Taon silang mag-ina.
Kahit walang lovelife, happy na rin si Katrina dahil ang anak niya ang kanyang source of joy and inspiration. Ayaw na muna niyang mag-boyfriend at focused lang siya sa kanyang 4- (or 5?) year-old daughter na si Kris Lawrence ang ama.
Kahit hiwalay na sila, okey naman sila ni Kris, ayon kay Katrina. Malayang nadadalaw ni Kris ang anak nila at never naging isyu ’yun sa kanila, ayon pa kay Katrina. Friends sila ni Kris at hanggang doon na lang ang relasyon nila, dagdag pa ng Kapuso actress. Hopeless nang magkabalikan sila.
Napapanood si Katrina sa “Destiny Rose” bilang Jasmine. Kaagaw siya ni Destiny Rose (Ken Chan) sa pagmamahal nila kay Gabrielle (Fabio Ide). Kinaiinisan na nga si Katrina ng fans and supporters ni Ken dahil ayaw niyang tantanan si Fabio. May banta silang sasabunutan at sasampalin nila si Katrina kapag nakita nila ang Kapuso actress. May gano’n?
Good year
Nag-audition si Janine Gutierrez sa remake ng “Encantadia” at wish niyang mapasama siya sa fantaseryeng ito ng GMA7.
Kahit daw sino sa mga “sangre” ang ibigay na role sa kanya, okey sa kanya. Hindi naman siya choosy, ani Janine.
Good year sa kanya ang 2015, anang Kapuso actress. Maraming magagandang nangyari sa kanya. Naging in demand siya sa mga magazine cover. Nakatrabaho niya sa isang episode ng “Relasyon” ang kanyang Lola Guy (Nora Aunor) at mama (Lotlot de Leon).
Nagkatrabaho rin silang mag-ina sa “Buy Now Die Later,” entry sa ongoing 2015 Metro Manila Film Festival. First festival movie ito ni Janine. Nakagawa rin siya ng dalawang indie films na ipapalabas next year.
This year, nagkaroon din si Janine ng primetime series, “More Than Words” with real-life boyfriend Elmo Magalona na lumipat na sa ABS-CBN. Napapanood si Janine sa “Dangwa.” Hopefully, next year ay balik primetime series siya. New Year’s wish niya’y mapasama siya sa remake ng “Encantadia.”
Tumangging magpakasal
Inalok pala ng kasal ng isang sikat na male personality (MP) ang isang aktres na naanakan nito. Pero tumanggi ang huli. Chickboy kasi ang male personality.
Ayon sa aktres, ayaw niyang may kahati siya sa pagmamahal ng male personality. Kahit pa raw halimbawang pumayag siyang magpakasal sa MP, alam naman niyang hindi pa rin niya ito masosolo.
Alam niyang paglabas nito ng bahay, may ibang babae itong kasama. In fairness, mabait naman ang MP, ayon sa aktres.
Responsible father ito sa kanilang anak. Mula nang ipanganak niya ang kanilang love child, suportado ito ng MP.
Pinag-aral ng MP sa exclusive school ang kanilang anak. Kapag kailangan ang presence ng isang ama sa school, dumarating ang MP. Parating ipinapakita at ipinaparamdam ng MP ang pagiging mapagmahal na ama, ayon pa sa aktres.
Magkahiwalay
Kung nasa ABS-CBN si Sarah Lahbati, nasa TV5 naman si Richard Gutierrez. Siya ang bida sa remake ng TV version ng “Panday” na ang original na gumanap sa pelikula ay ang yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. Gumanap din noon bilang Panday si Senator Bong Revilla.
Gumanap din noon si Jericho Rosales sa TV version ng “Panday” na ipinalabas sa ABS-CBN. Si Heart Evangelista ang kapareha ni Jericho at sa naturang serye sila nagka-in-love-an.
Dating Kapuso stars sina Richard at Sarah. Nakalabas na rin si Sarah sa isang mini-series ng TV5. Si Richard naman ay nag-host ng isang programa sa TV5 na short-lived lang sa ere.
Kasama si Sarah sa “Written in the Stars,” bagong teleseryeng ipapalabas sa ABS-CBN early next year. Tampok sina Toni Gonzaga, Piolo Pascual, Sam Milby at Jolina Magdangal.