GAGANAPIN ang 1st Wish 107.5 Music Awards: The Coolest Musical Experience on Jan. 26, 2016 sa Smart Araneta Coliseum. Ang Wish 107.5 ay isa sa mga fast-rising FM stations sa Metro Manila. Ini-launch ito on Aug. 10, 2014 na may unique concept. Ang radio broadcast ay ginaganap sa isang bus called Wish 107.5. Ito ang first ever FM radio station-on-wheels.
Ang mga listeners (or “wishers”) ay maaaring mag-request ng paborito nilang kanta, pati personal wishes. Kapag nakakita kayo ng bus na kulay orange at blue, may loud speakers sa ibabaw, disc jockey (DJ) at may kilala or upcoming artist or banda na may on-the-spot performance, ’yun ang Wish 107.5 Bus.
Marami nang OPM (Original Pilipino Music) talents ang nag-perform sa Wish 107.5 bus at nag-enjoy sila. May ilang international artists na rin at music groups ang nag-enjoy sa kanilang kakaibang experience sa Wish 107.5 Bus.
Thirteen categories ang ipapamigay na awards ng Wish 107.5. Ang mga ito’y Wish Promising Artist, Best Wish Cover, Best Wishclusive Performance by a Young Artist, Best Wishclusive Performance by a Group, Best Wishclusive Performance by a Male/ Female Artist, Wish Urban Song of the Year, Wish Alternative Song of the Year, Wish Ballad Song of the Year, Wish Original Song of the Year, Wish Male/Female Artist of the Year at Wish Young Artist of the Year.
Fifty percent ang online votes at fifty percent mula sa panel of judges. Ang mananalo sa bawat category ay tatanggap ng trophy plus R100,000 cash prize each. Ang bahagi nito’y kanilang ido-donate sa napili nilang charitable institution. Hanggang Jan. 26 ang online voting.
Prior sa gaganaping Awards Night, ang ilang nominees ay magpe-perform sa Fisher Mall, QC on Jan. 24. Makukuha rin ng winners sa on air at online promos ang kanilang tickets para makapanood ng 1st Wish Music Awards.
Hiwalay na?
Binuwag na ba ang love team nina Kiko Estrada at Kim Rodriguez? Magkahiwalay sila sa bago nilang projects sa GMA7.
Kasama si Kim sa “Hanggang Makita Kang Muli,” topbilled by Bea Binene and Derrick Monasterio.
Si Kiko naman ay kasama nina Barbie Forteza at Andre Paras sa “That’s My Amboy.” Kung tama ang pagkatanda namin, huling nagtambal sina Kiko at Kim sa “Strawberry Lane.”
Mukhang tahimik din ang lovelife nina Kiko at Kim. Naging “item” sila noon, pero never nilang inaming may “something” sila.
In any case, happy si Kiko na may bago siyang teleserye, bukod sa makakatrabaho niya muli si Barbie. Nagkasama sila sa defunct youth- oriented show, “Tweenhearts.” Sa “That’s My Amboy,” isang artista (Patrick Almeda) ang role ni Kiko na magiging kakumpitensiya ni Andre Paras na isa ring artista (Bryan Ford). Isa namang PA (personal assistant o alalay) ni Andre ang role ni Barbie (as Maru).
Bibinyagan na
Next month na ang binyag ni Baby Letizia, panganay na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Two months old na ang bagets ngayong Jan. 23.
Hindi pa kumpleto ang listahan ng mga kukuning ninong at ninang ng kanilang baby. Ang sigurado pa lang ay sina Gabby Eigenmann at Ai-Ai de las Alas. Kapag nakumpleto na ang listahan, ipapahayag nina Dingdong at Marian kung sinu-sino ang godparents ni Baby Zia.
Birthday girl
Birthday ni Sheena Halili noong Jan. 16 at sa Mt. Pulag, Benguet siya nag-celebrate. Ang pag-akyat sa mga bundok ang kinahihiligan ngayon ni Sheena.
Basta may libre siyang oras at walang taping ng “Destiny Rose,” umaakyat si Sheena sa bundok. Kung saan-saan na siya nakarating sa kanyang pamumundok at aniya, nag-e-enjoy siya to the fullest.
Samantala, sa “Destiny Rose,” pumayag na si April (Sheena) na mahalin ni Destiny (Ken Chan) si Gabrielle (Fabio Ide). May binayaran si Jasmine (Katrina Halili) para sirain ang prenong sasakyan ni Destiny papuntang airport. Buti na lang, hindi nasaktan si Destiny.
Nagkita sina Destiny at Gabrielle sa airport. Hindi natuloy ang pag-alis ni Gabrielle papuntang Italy. They both realized na mahal nila ang isa’t isa. Nagyakapan sila at nagsabihan ng “I love you.”
Ipagtapat na kaya ni Destiny kay Gabrielle na siya rin si Joey?