Positibo si Mahindra assistant coach Chito Victolero na mas magiging maganda ang kanilang kampanya ngayong darating na PBA Commissioner’s Cup.
Si Victolero ang madalas na nagmamando sa Enforcers kahit na opisyal na kinikilalang playing-coach si Filipino boxing sensation Manny Pacquiao.
Ayon kay Victolero, naging ang kanilang Philippine Cup campaign kahit na hindi sila umusad sa playoffs.
Ito’y dahil nakuha nila ang kinakailangang experience lalo na sa mga batang players ng koponan.
“Maganda ’yung experience namin kahit na natalo kami sa Blackwater para sa playoff kasi ibig sabihin nun, malapit na kami sa playoffs. Yan siguro ang next target namin ngayong conference,” ani Victolero.
Kabilang sa mga sumisibol na mga batang manlalaro ng Enforcers ay sina guards LA Revilla, John Pinto at Hyram Bagatsing, forwards Joshua Webb at Karl Dehesa at center Bradwyn Guinto.
May pribilehiyo man ang Enforcers na kumuha ng import na may unlimited height, mas ninais pa muna nilang kunin si 6-foot-9 banger Augustus Gilchrist na sa tingin ni Victolero ay makakasabay sa takbuhan ng Enforcers.
“Actually may gusto pa kaming mga imports pero siya ’yung available. So far nakakasabay naman sa practice pero tignan pa natin sa actual game,” dagdag ni Victolero.
Ang 26-year-old South Florida standout ay naglaro sa D-League team Iowa Energy noong 2012 hanggang 2014 bago ito nagkampanya abroad sa Italy at Hungary noong nakaraang taon.