KUNG inaakting lang o scripted ang mga hugot o pick-up lines nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kalyeserye ng “Eat Bulaga,” nakakabilib na mahuhusay silang artista. Nakakakilig ang palitan nila ng hugot lines na iisipin mong totohanan na yata ang mga sinasabi nila sa isa’t isa.
Tulad na lang ng hugot line ni Alden, “Natikman ko na lahat ng matamis, ang matamis mo na lang na oo ang hindi pa,” words to that effect. Nakakakilig din ang hugot line ni Maine, “Calculator ka ba? Kasi solved na ako sa ’yo.”
Nagpahiwatig pa si Alden kay Maine na first Valentine nila together on Feb. 14. Abang-abang na lang kapag may time kung sila nga ang magka-Valentine date.
Nagkakadebelopan na kaya sina Alden at Maine? Or for “show” lang ang pakilig moments nila?
Congratulations nga pala kay Alden na certified platinum na ang “Wish I May” album niya, pati ang carrier single nito na may gano’n ding pamagat. Iginawad sa kanya ang parangal sa “Sunday PinaSaya.”
Balik-akting
Balik-akting si Regine Velasquez at pangungunahan niya ang upcoming primetime series ng GMA7, “Poor Señorita.”
Huling teleserye ni Regine ay “I Heart You Pare” with Dingdong Dantes. Hindi ’yun natapos ni Regine dahil nabuntis siya sa panganay na anak nila ni Ogie Alcasid, si Nate, now 4 years old. She had to leave the show para pangalagaan ang kundisyon niya.
Kasama ni Regine sa “Poor Señorita” sina Mikael Daez, Sheena Halili, Kevin Santos, Jaya, Valeen Montenegro, Ervic Vijandre, Jillian Ward, Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla at Snooky Serna. May special participation si Ricky Davao.
Join din ang “Starstruck 6” avengers na sina Ayra Mariano at Elyson de Dios. Introducing naman si Ralph Norega.
Mula sa direksiyon ni Dominic Zapata, next month mapapanood ang “Poor Señorita” sa GMA Telebabad.
Cover boys
Cover boys ng isang glossy magazine sa January issue nito sina Andre Paras, Derrick Monasterio at Ruru Madrid. Kung mapu-push lang to the max ang respective careers ng tatlong Kapuso heartthrobs, chances are, next important stars sila ng GMA.
May K (karapatan) naman sina Andre, Derrick at Ruru. May kanya-kanya silang talents na pwedeng i-develop. Si Andre, mukhang pursigidong makilala bilang isang aktor. Napapanood siya sa “That’s My Amboy” at mukhang kinakarir niya ang akting.
Mapapanood naman si Derrick sa upcoming teleserye, “Hanggang Makita Kang Muli” with Bea Binene. Bukod sa akting, may kakayahan din sa pagkanta si Derrick.
Can act, sing and dance naman si Ruru. Nakagawa na siya ng album. Matinee idol siya tulad nina Andre at Derrick.
Huling napanood si Ruru sa teleseryeng “Let the Love Begin” with Gabbi Garcia. Nagtatanong ang GabRu fans, ano raw ba ang bagong project ng dalawa?
Nagsuntukan
Sa “Destiny Rose,” makakawala si Destiny (Ken Chan) sa pagka-hostage sa kanya ni Hector (Lander Vera-Perez). Magsusuntukan sina Gabrielle (Fabio Ide) at Hector.
Sasabihin ni Armani (Michael de Mesa) kay Vince (Jeric Gonzales) na magpakatotoo na ito sa nararamdaman kay Destiny.
Matutuklasan ni Jasmine (Katrina Halili) na si Bethilda (Irma Adlawan) ang nagnanakaw ng pera sa kompanya.
Isusumbong niya ito kay Armani. Subalit pipigilan at babantaan siya ni Bethilda. Ididiin nilang si Destiny ang nagnanakaw ng pera.
Makikita ni Destiny ang mga medal ni Joey. Maririnig siya ni Lito (Joko Diaz) nang sabihin niya kay April (Sheena Halili) na naitago pala niya ang medals ni Joey. Tatanungin siya ni Lito kung bakit nasabi niya ’yun. Aaminin na kaya ni Destiny na siya ay si Joey din?