MULING tatakbo bilang konsehal ang singer-turned-politician na si Roselle Nava sa 1st district of Parañaque City.
Kinumpirma ito mismo ni Roselle sa press conference ng Valentine show na “#LoveThrowback” na magaganap on Feb. 13 at the PICC Plenary Hall.
“Yes I will be running for my third term. Marami na tayong naging projects for Parañaque at gusto nating ipagpatuloy pa rin ito.
“Every summer, I have this free voice and dance workshop. Mara-ming mga bata na natutulungan namin to improve on their talents.
“We also have projects para sa schools ng Parañaque. Nagbibigay kami ng mga libreng school supplies and uniforms.
“We also have medical missions, feeding programs and livelihood projects for everyone,” ngiti pa ni Roselle.
Nami-miss na nga ni Roselle ang gumawa ng album at iyon ang balak niyang gawin kapag hindi na siya busy sa politics.
“I really miss singing and performing. Kapag hindi na tayo busy sa politics, I would love to go back to recording.
Singing will always be my first love.”
Hindi pa rin na kumukupas ang magandang tinig ni Roselle kaya naman kinukuha pa rin siya para sa special shows tulad ng “#LoveThrowback” kung saan makakasama niya sina Rico J. Puno, Marco Sison, Raymond Lauchengco, Gino Padilla, Wency Cornejo, and Nina.
Nakilala bilang isa sa mahusay na singers ng dekada ’90s si Roselle dahil sa mga hit songs niyang “Dahil Mahal Na Mahal Kita,” “Bakit Nga Ba Mahal Kita?” at ang cover versions niya ng “Say That You Love Me” at “You”.
“Whenever I hear my songs being played on the radio or may kumakanta sa TV o kahit sa videoke, I get goosebumps kasi nga those songs made me who I am as an artist – it gave me a place in this industry,” diin pa niya.
Nagsimula si Roselle sa teen variety program ng ABS-CBN 2 na “Ang TV” in 1992.
Ngayon sa edad na 39, dalawa na ang anak ni Roselle sa kanyang mister na si Allen Tan. (Ruel. J. Mendoza)