BALIK sa paggawa ng comedy sa telebisyon si Eugene Domingo via the comedy anthology “Dear Uge” ng GMA-7.
Tatlong taon ding hindi gumawa ng anumang comedy show or movie si Uge dahil mas pinili niyang mag-concentrate sa mga seryosong indie films at ang game show na “Celebrity Bluff.”
Ngayon ay tinapos na ni Uge ang kanyang semi-retirement at ready na siyang magpatawa ulit sa TV.
“I guess panahon na ulit na bumalik tayo sa comedy.
“Before kasi, nagkasunud-sunod at na-burn out ako.
“Nagpahinga lang talaga ako at gusto kong mapanood ako ng mga tao sa ibang klaseng show naman.
“Nagustuhan ko itong ‘Dear Uge’ na kapalit ng ‘Celebrity Bluff’ na magkakaroon muna ng season break.
“Iba ang concept nitong ‘Dear Uge.’ Pinaghalong modern technology dahil may live web show ako rito tapos ang traditional na makaka-relate ang masa ay ang sari-sari store kung saan nagaganap ang mga chismis at usap-usapan.
“May pagka-Tiya Dely at Helen Vela ang dating ko rito, pero comedy siya at hindi drama. Puro funny stories ang hatid ng ‘Dear Uge’,” ngiti pa niya.
May cameo role si Uge sa mga istorya na ikukuwento niya every week.
“Laging sorpresa ang cameo role ko sa story. Magugulat na lang sila na bigla akong lalabas. Pang-bulaga lang sa mga naka-miss sa akin sa mga comedy roles,” tawa pa niya.
Makakasama ni Uge bilang sidekick sa show ay ang newcomer na si Divine Grace Aucina.
“Naku, magaling ang batang ito. Watch out for Divine kasi ibang klaseng pagpapatawa naman meron ito.
“Humihingi nga siya ng mga advice sa akin at sabi ko naman, just be herself, have fun and dedma na lang siya sa mga bashers at haters. Pabayaan mo sila dahil nagtatrabaho tayo nang maayos. Ipagdasal mo na lang ang mga taong may negative vibes para maging positive!” diin pa ni Eugene Domingo.
Sa Feb. 14 na ang premiere telecast ng “Dear Uge” sa GMA-7. (RUEL J. MENDOZA)